CHAPTER 14

43.2K 620 4
                                    

Kaela's POV

Busyng busy kami ngayon sa grocery. Paano kasi si Mommy nagpadagdag ng paninda. Kahapon nagpunta kaming divisoria. Ako lang tsaka isang katulong sa tindahan. Ay! Pagod na pagod kami. Namili kami ng mga tabo, timba, hanger, sipit sa damit. Tapos yung 4 na school na malapit sa amin, sinusupplayan ko ng pang snacks sa canteen like biscuits, chips tsaka juice. Sinama ko na din ang mga school supplies para malaki ang kita.

"Ate! Yung phone nyo po kanina pa pong nagriring."

"Akina nga muna."

*** +639196520628 Calling ***

Me: Hello?
Otherline: Hi! May I speak with Ms. Nikkaela Ramyelle Almonte?
Me: Hi speaking. Who's this?
Otherline: Hi Ms. Almonte, This is Carleen Tamayo of SGC Foundations, Inc. We are currently looking for someone we badly need in our company and we receieved a recommendation about you.
Me: I'm sorry, what company again?
Otherline: SGC Foundations po. Affiliated po kami with The United Nations and WWF. I've sent email last 2 days ago Ma'am but haven't received any response from your side.
Me: Ah, okay. Can I check my mail and just reply to you on your message?
Otherline: Sure Ma'am. We are looking to your positive response as you were very much commended.
Me: Okay, Thank you. I'll check my mail and make a response asap. Thanks
Otherline: Thank You Ma'am ang have a very nice day!

Call ends.

"Liza, kayo na muna dito ha. May ichecheck lang ako."

"Sige po ate."

Pumasok ako sa kwarto then checked my mail. Ay, may messages pala nga last 2 days ago. Galing kay Carleen Marie Tamayo.

The email says that I am highly recommended for a managerial position and they needed my response asap. Syempre nagsearch muna ako. At isa lang ang masasabi ko, sobrang impressive nung kumpanya. Foundation pala ito, more on CSR activities ng isang malaking Corporation. Ang problema ang hirap namang iview nung website ng corporation nila, naghahang ang laptop ko. Pero sa mga nabasa ko, okay na okay ang company. Tiningnan ko din ang openings pero wala namang managerial position. Sa bagay baka naman hinead hunt. Shocks, ganda ko. Haha.

Dahil mukang maganda naman ang kumpanya, pumayag na ako. I just emailed them that I'm affirmative of the interview and I asked for the details. Nung magemail ako na pumapayag ako, aba sobrang bilis ng reply. Bukas agad at ang aga ha, 8:00 am.

Hmmn. Mukang okay naman yung kumpanya. Pero kailangan ko pa ding magpaalam kina Mommy, matutuktukan ako noon ng sandok that's for sure.

Later that night, naisipan kong sumabay sa mga magulang kong kumain. Hindi kasi ako sumasabay sa kanila mula ng nagreunion sila Mommy. Syempre sumesenti din naman ako.

"Kakain ka?"

"Opo."

"Upo na, tatawagin ko lang ang Papang mo."

"Himala at umuwi ka ng maaga."

"Iniwan ko na muna kay Liza ang grocery. Mamamaalam kasi ako sa inyo."

"Aalis ka na naman ha Nikkaela???!!"

"Ma! Hindi!"

"Eh ano? Wag mong sabihing magaasawa ka na? Aba! Wala ka pang pinapakilala sa akin ha! Baka mamaya ikaw pa ang magpapakain sa lalaki. Naku Nikkaela! Maging practical ka din."

"Ma! Ako muna, please."

"Ma, manong pagsalitain mo muna ang anak mo." sabi naman ni Papang

"Osige ano ba yang ipamamaalam mo? Siguraduhin mo na maayos yan ha?!"

"May interview ako bukas. 8:00am sa BGC."

"Interview ng?" Papang

"Work po."

"Sa BGC na naman, hindi ba't doon ka na galing?" Mommy

"Eh Ma, ibang company naman. SGC Foundations. Malaki ang company Ma, based sya sa Germany and affiliated sya sa UN at WWF."

"Mukhang okay naman, pero malayo na naman. Hindi ba nga't ang sabi mo dati ay talo ka dahil masyado malaki ang pamasahe at cost of living." Papang

"Eh Pang, managerial position daw eh. So titingnan ko muna. Kapag okay tsaka malaki ang sweldo tatanggapin ko."

"Oh kung gusto mo edi sige." Papang

"Pero tiyakin mo na okay ang kumpanya na yan. Gamitin mo ang mga pinasahan mong exam." Mommy

"Opo Ma."

We finished the dinner well. At ako pa nga ang nagligpit ng pinagkainan namin. Mommy keeps on blabbering how am I suppose to act para tanggapin ako agad. Kanina nga, chineck pa ni Mommy ang isusuot ko. Laking takot ko nung makita ko ang marriage license namin na hawak ni Mommy. Buti na lang malabo ang mata nya at hindi nya nababasa. I just said it was some of my travel documents.

Dapat talaga magpapants lang ako and some smart looking blouse pero Mommy pushed for me to wear a dress. Syempre kailangan ko syang sundin kung gusto ko ng payapang buhay.

Nakita ko na naman ang wedding dress ko. I smiled. Namimiss na talaga sweetheart. Sana may chance na magkita tayo ulit. Do you ever want to see me again? Do you ever want to talk to me again? Have you been thinking of me too?

Because you never went out if my mind since the day I gave my all to you. I miss you so much sweetheart.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon