CHAPTER 28

40.3K 546 10
                                    

Kaela's POV

Tingnan ko pa lang ang itinerary ay nahihilo na ako. Sobrang dami. Sa pagkakalista dito, aabutin kami ng 3 months. Mental Calculations, makakauwi ako ng Mid-February to 1st week ng March.

"Carleen, hindi ka ba nahihilo sa listahan natin?"

"Ang totoo? Kahapon pa. Kaya tinigilan ko na ang pagbabasa nyan."

"Joanne, okay ka ba sa itinerary natin?"

"Excited nga po ako Ma'am eh."

"Haha. Bata ka pa talaga, kami kasi nito ni Nikka, nahihilo sa dami ng pupuntahan."

"Korek."

Pero goal ko na matapos agad ito, para makapagpakasal na kami ni Jake sa simbahan. Pero bago ko tanggapin ito, nagsiguro muna akong hindi ako buntis. Nagpacheck up pa nga ako kasi baka mamaya buntis pala ako tapos magpakapagod ako ng husto diba?

(Carleen & Kaela)

1st leg- Asian Countries (15 days)•Malaysia•Indonesia•Vietnam•Japan•Taiwan•Beijing China, Shanghai China•Dubai, United Arab Emerates

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




1st leg- Asian Countries (15 days)
•Malaysia
•Indonesia
•Vietnam
•Japan
•Taiwan
•Beijing China, Shanghai China
•Dubai, United Arab Emerates

Simula pa lang wala na kaming rest. Una naming pinuntahan ang Malaysia, tapos Indonesia. 3 hours lang namin tumatagal ang meeting namin kaya mabilis kaming nakakaalis. Si Carleen, pinush na makaalis kami ng Indonesia ng gabi para daw sa Vietnam na kami magpahinga. In 2 days, nakaikot na kami sa 3 countries. Sunod naming pinuntahan ang Japan. Dahil nakapunta na ako dito noon, pagkatapos ng meeting ay nagpasya na lang ako matulog at hinayaang gumala sila Carleen at Joanne.

Sunod naming pinuntahan ang Taiwan 3 hours meeting lang din ulit tapos nagpunta na kami sa China. Sa China na kami mejo nagtagal. Nagtour pa kami sa Great Wall. Dahil mabilis naming natapos ang 1st half ng 1st leg, nakapagdisneyland pa kami sa Shanghai.

Mula Shanghai, lumipad kami papuntang Dubai. Sumunod sa amin si Jake ng nasa Dubai na kami. Ayaw nya raw kami hayaan na kaming girls lang ang makikipagusap sa mga taga rito. Oonga naman, bakit kasi girls lang ang delegation nila, sana may isa man lang kaming lalaki.

"Buti sinamahan tayo ni Kuya sa meeting kundi nako! Kahit malaki ang commitment nila for sponsorship mukha pa ring type na type nila kami." Carleen

"I won't let my wife be a subject of their interest." Jake

"Ay! andaya bakit si Nikka lang?!" Carleen

"Magasawa ka na kasi Carleen." Sabi ko kay Carleen

"Aii nako. Tse! Tara na nga Joanne, mauna na tayo dun. Nakakainis eh." Carleen

Nauna na silang maglakad ni Joanne papunta sa kotse na magdadala sa amin kung saan ang sky diving.

"Sweetheart, may napapansin lang ako, ito bang trip na to ay sinadya mo?"

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon