Kaela's POV
Paglabas ko, nakita kong nakaupo na ang asawa ko sa recliner nya. Mukang napagod si koya. Kaya naman sinabihan ko na pupunasan ko na lang sya so he could freshen up bago kami bumalik sa mall at mamili ng mga kailangan pa namin.
"I really love how you take care of me Sweetheart."
"Ofcourse, you are my husband."
"I'm seeing how Mom takes care of Dad."
I smiled at him.
"I can't wait to live in with you."
"After tomorrow, we'll be together. But now, you are done so get up and let us buy some more."
Nakasuot ako ng simpleng dress. Pambahay style para comfortable.
"Are we going to eat first or what?"
"I'm not that hungry yet. Let's just make reservation then buy clothes first. We'll do the grocery last."
"Ofcourse my lady."
Hinampas ko na lang ang baliw na to nung hinalikan ang kamay ko. PDA much kasi.
So we started buying our clothes. Syempre pati ako. Namili kami ng pambahay at pang office. Ang loko, pinakanagenjoy sa lingerie. Kung ano ano ang nilalagay sa basket kaya natatawa yung mga sales lady. Nakakainis. Since maraming maraming budget ang human credit card ko, lahat ng magandang kasya sa akin ay binili na namin.
At dahil lalaki sya, ang hirap pong maghanap ng para sa kanya. Pero kahit ganoon pa man, nakahanap pa din kami. Bumili din kami ng ilang sapatos, syempre mas marami ang akin dahil halos wala namang pinagkaiba ang ang type nyang sapatos. Nung makontento na kami, napagpasyahan naming pumunta na sa restaurant na pinagreservan namin.
Sinabi ni Jake na dadalahin nya muna sa sasakyan ang pinamili namin para hindi mahassle mamaya pag naggrocery kami. Nagulat na lang ako ng may bumati sa akin.
"Hi Kaela!"
"Oh, Jenny. Hi. Kumusta?"
"Okay naman. Ikaw?"
Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Itong babae na to na ata ang pinakainsecure na nilalang na nakilala ko ever. Dati kong officemate na sobrang arte. Para ba syang laging nakikipagcompete sa lahat ng meron ako.
"Okay din. Birthday ni Manager Kathrine ngayon, halika sama ka!"
"Dito?"
"Ay Oo! Naku sosyal na yung si Madam. Napromote na kasi sya. Ay boyfriend ko nga pala, si Jeremy. Jer, si Kaela, friend ko, dati naming officemate."
"Hi!" Bati ko.Masama ang ugali ko pero hindi ako bastos. Ngumiti naman sya at bumating pabalik.
"Ano? Sama ka na sa loob, ay ayan na pala si Madam." "Manager! andito si Kaela."
"Hi Kaela! Kumusta ka na? San ka ngayon?"
Ito naman ang manager na hindi ko alam kung bakit at paano naging manager. Haii nako. Lahat ng ginagawa nito mali eh. Kagaya ni Jenny, kasama ito sa team bitter.
"Ah, magstart na ako sa SGC sa isang araw. Inayos ko lang yung titirhan ko dito."
"Ah talaga ba? Wow SGC. Dun din nagwowork ang bf ko eh. Makikilala mo siguro kasi nasa higher position na yun. He can help you there."
Hindi lang po sila insecure. Mayabang din po sila. Kaya nagtataka ako bakit ako tumagal ng 2 .5 years na kasama sila.
"Oh, good then."
"Hayaan mo, babanggitin kita sa kanya. Anyway, halika na, sama ka na sa birthday celeb ko. Dito lang naman."
"Actually, nakareserve nga kami dito. I'm just waiting for someone."
"Late sya?" nanguuyang tanong ni Jenny
"Hindi. Dinala nya kasi yung pinamili namin kanina. Pabalik na yun. Ayan na pala eh."
"Let's eat na sweetheart. I'm hungry." Sabi ni Jake after he kissed my head and wrapped his arms on my shoulder.
Kitang kita ko naman ang pagtaas ng kilay nitong dalawang palaka sa harap ko.
"Sweetheart, mga dati ko nga palang officemates, si Jenny at Kathrine. Girls, si Jake nga pala."
Ano ka ngayon Jenny! Huh! Ang gwapo ng asawa ko no?!
"Hi, Jenny, you are Kaela's?"
"Husband. Jake Seigfreid."
"Hi Jake, I'm Kathrine, I'm actually Kaela's former manager. Pero ngayon Department head na ako."
Ay nako, kahit anong pacute nyo jan, hindi kayo matataypan nyan.
"We didn't heard the news that you've got married?!" Jenny
"Actually very private kasi yung wedding. "
Kita ko kung paanong tumingin sa mga daliri namin yung dalawa. As much as I wanted to give them a show, kailangan na naming kumain para maka abot kami sa supermarket.
"Kathrine, thank you for the invite. Una na kami sa loob, maggogrocery pa kasi kami after."
"Sige."
"Happy Birthday na lang ulit."
"Are they really your friends?"
"No. I don't friend snakes."
He laughed and kissed my head. Sus! Pasimple pa eh. This is a buffet restaurant kaya madami akong nakain. hehe. Sobrang sulit talaga ako sa mga buffet.
After we ate dumaan muna ulit ako sa table nila para bumati. Nakakatawa ang reaction ng iba ko pang ex-officemate nang ipakilala ko si Jake. Ito namang isang to, ay nakakatuwang proud na proud. Mejo napatagal ako kasi nakita ko yung isa sa tatlong naging kaibigan ko. At dahil hinahabol pa namin ang grocery nagpromise na lang ako kay Monique na magkikita kami ulit.
"Guys, sorry, una na kami. Baka masaraduhan na kami ng supermarket."
"Next time sama ka sa amin ha Kaela?"
"Sure sige sabihan nyo na lang ako."
I smiled at them all and wave. Si Monique lang ang bineso ko bago umalis. Sa supermarket, ang kulit ni Jake. Parang batang hyper na kung ano ano ang nilalagay sa cart. Tinatanggal ko din naman kasi hindi naman namin kailangan yung iba. Gaya ng dog collar eh wala naman kaming aso, mga pesticide na pang garden eh wala ngang lupa ang condo namin. Kaloka talaga.
Sa dami ng pinamili namin, dalawang cart ang napuno namin. I made sure na wala kaming naiwan at nalimutan. At sana din walang nakasamang hindi kailangan. Itong kasama ko, nakukulangan pa sa pinamili namin. Ang sabi ko nga, pwede namang weekly kami mag grocery.