CHAPTER 22

41.7K 502 7
                                    

Kaela's POV

Today is a weekend kaya naman makikipagkita ako sa bestfriends ko. Grabe miss ko na yung dalawang yun. Hindi kasi kami madalas na magkita lately lalo na nung andito si Jake. Hindi ko pa rin pala nasasabi sa kanila na kasal na ako. Haiii. Timing lang, aamin din ako.

Napagpasyahan na lang namin na magmeet sa mall malapit sa unit namin.

In that one month na umalis si Jake, 2 weekends na syang umuwi sa akin just to stay for a day. Tapos babalik na ulit sya sa SG. Sabi nya nga nagchacharge lang daw sya ng hug and kiss sa akin kasi hindi din daw nya kaya ng hindi kami nagkikita. Corny pero kinikilig ako ng bongga.

Mukhang nauna pa rin ako dun sa dalawa. Sa bagay, lagi namang late yung dalawang yun sa usapan kaya nagikot ikot muna ako sa mall. Ilang minuto lang, dumating na si Zea.

"Kaela. Parang may iba sayo?"

"Gumanda ako lalo no? Alam ko na yun!"

"Hindi yun baliw."

"Eh ano?"

"Basta may iba lang sa'yo."

"Ay hindi kasi ako stressed Zea! Masaya ako sa work ko ngayon no!"

"Sabagay din naman."

"Pwede nga ako magleave ng isang buwan eh!"

"Talaga ba?!"

"Oo!"

"Ayan! Matutuloy na tayo sa Korea! Ano?! Magbook na tayo!"

"Sige ba! Winter gusto ko!"

"Sige sige. Check natin mamaya."

Dahil matagal si Elle, pumunta na kami sa resto para umorder. Buti naman at nakaabot si Elle sa pagkain namin. Napagpasyahan namin na dito na muna kami tatambay kasi naman ang init gumala.

"Sige na Elle! Sumama ka na kasi!"

Pilit ni Zea kay Elle. Paano ay ayaw nyang sumama sa amin sa Korea dahil daw kakauwi nya lang galing France.

"Nakakainis naman to eh! This year kaya yung Korea natin! Last year nga hindi ka na sumama sa Japan eh!" Sabi ko

"Oonga! Nakakainis ka! Sumama ka na kasi!"

"Wala na nga akong budget! Anlaki kaya ng nagastos ko dun!"

"Ay! Madami akong pera! Pahihiramin kita! Pay when able na lang!"

"Ako din! Sagot ko na muna airfare at hotel! Si Kaela na bahala sa cash! Anona? Ayusin na kasi natin para makakuha na tayo ng visa!"

"Dala nyo ba passport nyo?"

"Oo naman." sabay naming sagot ni Zea

"Osya sige na nga. Tara na muna dun sa agency para matulungan tayo sa visa."

Nagpunta kami sa office nung isang agency dito nakabase sa mall. Kinausap namin ang isang agent at sinabi ang kailangan. Kailangan daw muna naming ipacolored photocopy ang passport namin at lahat ng visa na valid pa.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon