CHAPTER 18

43.1K 622 10
                                    

Kaela's POV

Salamat sa maluwag na SLEX nakarating kami sa bahay ng maayos. Ang bahay namin ay hindi kalakihan, walang 2nd floor kasi mahihirapang umakyat si Papang at Mommy. Isang bungalow na may 4 na kwarto.

Maliit ang kusina namin at dining. Pero maluwag ang living room. May office din na nasa labas dahil sa mga negosyo namin na hindi naman kalakihan. Trip lang talaga ni Mommy lagyan ng ganun yung labas.

"Carleen, pagpapasensyahan mo na ang bahay namin. Hindi yun malaki ah. May aircon naman ang kwarto ko kaya lang hindi rin kalakasan."

"Ano ka ba! Okay lang! Yung bahay naman sa Cebu, simple lang din. Mas maliit naman siguro yun kasi 2 lang ang kwarto."

Dumating na kami. Si Papang agad ang nakita ko na inaasikaso ang kanyang mga manok. Kaya lumapit akonsa kanya at nagmano.

"Pang, si Carleen, kaibigan ko po. Sya nagrecommend sa akin dun sa company. Sa kanya din po ako natulog kagabi."

"Ah, nabanggit nga ng Mommy mo kagabi. Sige pumasok na kayo doon at makapagmeryenda."

"Sige Pang, sunod na po kayo."

"Bunso ka?"

"Yes."

"Hmmn. Bagay nga kayo. Panganay naman si Kuya.."

Ngumiti na lang ako kasi hindi ko alam.

"3 kami, all girls." Sabi ko pagpasok sabay turo sa family picture namin

"Ay ang cute mo nung bata! hahaha."

(Kaela's picture on her younger days)

(Kaela's picture on her younger days)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Mommy!!! Andito na ako."

"Oh, kanina pa kayo?"

"Hindi naman po. Ma, sya si Carleen yung sinabi ko sa inyo kahapon."

"Hi Carleen, welcome sa bahay namin. Pagpasensyahan mo na at masikip. Kumain muna kayo ng meryenda. Sandali at tatawagin ko si Flor."

Kaya bawal kay Mommy ang surprise ay dahil naghahanda talaga sya kapag may bisita. Never yan nagkabisita na hindi nya pinapakain. Minsan may dumalaw kay ate dito na hindi alam ni Mommy, ayun, madaling madali sila ng pgpeprepare ang ending pag alis ng bisita, katakot takot ang galit ni Mommy kay Ate. Nasandok na sa ulo, may kurot pa.

"Grabe naman ang merienda nyo, spaghetti at sopas."

"Hindi pa masyadong prepared nyan si Mommy. Kung prepared sya, may kakanin pa yan."

"Talaga?"

"Yes."

"Grabe! Ang sarap naman dito sa inyo! Pwedeng pasama ulit paguwi mo dito?"

"Oh sure!"

Pagkatapos naming magmeryenda at niyaya ko na si Carleen sa kwarto. Dun kami magkukwentuhan para walang nakakarinig.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon