Kaela's POV
"Ma'am Nikka, may meeting po kayo with Finance in 10 minutes. Magdidiscuss daw po ng budget for next quarter."
"Okay. I'll follow. Sang conference?"
"Yellow po Ma'am."
Nagretouch muna ako, kinuha ang planner ko tapos nagcr. Tsaka ako dumerecho sa yellow conference room. Dahil EVP ako, hindi naman na talaga ako masyadong involved sa projects. Isa lang ako sa magaapprove kung okay ba o hindi ang proposals nila. Madalas naman sobrang okay na nung proposal kasi madami na pinagdaanan bago pa makarating sa akin.
"Good Morning Ma'am Nikka."
"Hi Kim, ay anlaki na ng tyan mo."
(Nikka talking to Kim)
"Opo nga."
"Ilang buwan na yan?"
"5 po."
"Ambilis mo naman nagbuntis."
"Haha. Opo nga Ma'am, honeymoon baby nga to."
"Ai nako, ang swerte mo."
I smiled at her. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ako nagbubuntis. Ilang buwan na kaming kasal, never naman kami gumamit ng contraceptive. Bago ako magpakasal, na ruled out na ang PCOS at Polyps ko. Kailangan ko sigurong pumunta sa OB ulit.
Napagusapan naman na din namin ni Jake ang pagkakaroon ng baby at very open naman sya dun. He seems to be excited kapag yun ang topic namin.
The discussion for finance matters went well, yun lang kalahati lang ng utak ko ang andito. Magpapacheck ako sa OB. Sa normal na babae, dapat sa ganitong panahon ay buntis na ako. Sigurado naman akong healthy ang asawa ko at alam kong sa akin may mali.
"Mai, may alam ka bang OB jan sa malapit?"
"Wala po Ma'am eh. Gusto nyo po ipaghanap ko kayo?"
"Ako na lang. Salamat."
"Sige po Ma'am."
Nung makakita ako ng magaling na OB as per the netizen na may schedule ngayon. Nagdecide na akong puntahan.
"Mai, labas na ako. Early out. May appointment ako sa labas ngayon. Andito ako bukas. Tawag ka na lang if urgent."
"Sige po Ma'am."
Dumaan din ako kay Carleen para magpaalam. Magwawala yun pag basta na lang ako mawawala sa opisina. Para na ngang lady body guard si Carleen sa akin kakabantay.
Since nagpaappointment ako via phone, mabilis akong nacheck up.
"Hi Mrs. Nikkaela Seigfreid." She chuckled. "Ang mouthful ng pangalan mo."
I laughed at her.
"Actually Doc. You can just call me Nikka."
"Okay, that's better. So what can I do for you?"