CHAPTER 13

44.7K 578 5
                                    

Kaela's POV

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang reunion nila Mommy. Obligado kasi kaming present lahat dito. Eto kasing si Mommy pabida. Haii naku.

Bukod sa mainit, naiinis ako sa mga kamag-anak ng nanay ko. Surely may iilan na okay at sincere, pero iilan lang yun. Mas marami sa kanila ang nagyayabang. Oh well, isama nyo na ang Mommy ko na hindi papatalo. Paano nga naman mananalo sila sa Mommy ko eh dalawa ang doctor nya.

"Eh itong bunso mo Au, ilang taon na ba ito?"

"Ay naku, 27 na yan."

"Aba, hija, wala ka bang balak mag-asawa? Ang mga kapatid ng Papa mong babae ay puro old maid ah? Naku wag kang gagaya sa kanila ha? Sayang ang ganda mo pa naman!"

Nakangiti lang ako pero sa loob loob ko, gusto ko ng sabunutan itong pinsan ni Mommy. Una, excuse me po pero may asawa na po ako. Isa pa, paanong sayang eh masaya naman ang mga Tita ko kahit single sila for life! Haiii naku.

"Gala kasi ng gala ang batang yan. Parang wala pang kabalak balak."

"Naku Au, pilitin mo na magasawa itong bunso mo. Tingnan mo ang bunso ko si Zelly, may pamilya na. Kaya heto ako't papasyal pasyal na lang sa mga apo ko."

Haii naku. Umalis na ako doon. Ang anak nyang si Zelly na shinot gun wedding nila kasi nabuntis at ayaw panindigan. Tse! Pasyal pasyal kasi nanghihingi sya ng sustento. Haii buhay!

"Kaela! Asan ang boyfriend mo? Bakit di mo kasama?"

Ngumiti na naman ako. Haii nako, Eto na ata ang pinakatahimik na panahon ng buhay ko.

"Ano ka ba Ma, walang boyfriend yang si Kaela. Gusto mo Kaela ipakilala kita sa friends ni Michael."

"No need. I am not interested." Mas hamak na napakagwapo ng asawa ko kesa sa lalaking mukhang kailangan na sumuko kay Duterte. At kung makikita mo lang ang sweetheart ko siguradong maiinggit ka talaga.

"Ang sungit mo kasi pinsan. Sige na. "

"Alam mo kasi May Ann, kung gugustuhin ko magboyfriend, o magasawa kahit ngayon mismo pwede kong gawin pero kasi hindi ako interesado eh so una na ako ha?"

Haii nako sweetheart! Kung andito ka lang, walang mangiinis sa akin.

Oras na ng pagkain. Heto kami sa isang malaking lamesa at nagsasalo salo.

"Au, hindi ba't pasa itong anak mo sa civil service? Bakit hindi mo pagapply sa munisipyo. Si Carlo ko ay nandoon, gusto mo ba tulungan nya yang si Kaela?"

"Tita. Hindi po ako interesado."

"Eh sa school? Gusto mo ipapalce kita kay Lei."

"Tita. Wala pa po akong balak magturo."

"Sayang naman ang mga nakuha mo hija, hindi mo magagamit."

Sasagot pa sana ako ulit ng kinurot na ako ni Mommy kaya naman inendure ko na lang. Siguro nga dahil lumaki ako na ganito ang pamilya kaya feeling ko kulang ang kung ano ako.

Over achiever ang pamilya ni Mommy. Paano silang lahat ay matatalino.

Nang sa wakas ay matapos ang lunch nagpasya na lang akong lumayo sa kanilang lahat. Nababadtrip na ako. Akala mo't kunsino silang mga walang kapulaan sa sarili. Aminado ako, hindi nga kagandahan ang aking ugali pero hindi ako nanghahamak ng tao, lalong lalo na ang mga gusto nilang gawin na makapagpapasaya sa kanila.

Unconscously I typed a message for my husband. It's been 2 months pero after kong umalis, wala na akong balita sa kanya. Miski pa isang text o email o kahit ano, wala akong natanggap sa kanya.

 Miski pa isang text o email o kahit ano, wala akong natanggap sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I sighed, 6 days of Jake made me happy. Really really happy. Ang totoo, I prayed hard na sana ay nabuntis nya ako. Na sana buntis ako at dala  ko ang kanyang anak pero wala. Sobrang fail. Akala ko magaling na ako at handa na akong magbuntis pero hindi pa rin pala.

At night, I cried to sleep because I miss him. Because I badly wanted his warm hugs and his kisses that made me feel better than anyone else. I live in a 6 day memory for the past two months.

Madalas ko ngang icheck ang daliri ko para makita ang engagement at wedding ring namin. At kapag nakikita ko ang kinang nito, sumasaya ako. Kasi alam ko totoo ang nangyari. Hindi panaginip. Hindi joke.

Naiisip ko din kung paano kaya kung itry ko na lang na magapply sa Singapore? O kaya magbook ulit ako kahit 2 araw lang. Pero bumabalik ako sa, wala akong trabaho. Wala akong budget at ayaw kong lalong pasamain ang loob ng magulang ko.

The reunion was boring as hell.

"Kaela! Bakit andito ka?" Jaja

"Ah may hinihintay kasi akong tawag" sagot ko

" Halika, makibonding ka naman sa amin." Zelle

"Naku, okay lang ako dito. Tsaka mamaya uuwi na din ako. May pinapagawa kasi ako sa grocery eh."

"Ikaw naman! Hindi ka na namin nakakasama." Julie

"Oonga! Tsaka nga pala, ikakasal si Deise. Aabay tayong lahat."

I rolled my eyes. Ayoko sa inyo.

Nung makita ko ang mga pamangkin ko, dun na lang ako naglagi at nakipaglaro na lang sa kanila. Nakakabugnot kasi kausapin ang mga babaeng yun.

Sa dinner, napagalitan ako ni Mommy. As usual, kasi nga sumasagot ako kanina tapos nagsumbong pa si Deise na hindi ako pumayag na maging abay nya. Eh dahil matigas ang ulo ko, alam ni Mommy na kahit anong gawin nya ay hindi nga ako papayag, pinagalitan na lang nya ako for rejecting the invitation.

Oh well, kahit naman si Ate Nicole alam kong nabwisit din kasi sa kanya magpapatahi. For sure malaki ang hihingin nung discount. Naexperience na ni Ate na magpatahi yung kapatid ni Deise at jusme, sobrang mura na ang singil ni Ate tapos ang press release ng nanay nila, x20 nung totoong price. Nakakaloka.

Mayabang din naman ako oo, pero hindi ako nagsisinungaling para lang pataasin ang sarili ko. Nakakabugnot lang ang ganung tao. Haii.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon