Kaela's POV
Mas maaga kesa sa normal ang naging gising ko. Hindi ko mawari kung bakit ba ako'y excited na excited. Dahil nga rin sa maaga akong nagising, mahaba ang oras ko para magprepare. Nakapagblower at plantsa pa ako ng buhok para impressive.
Sinuot ko yung dress na pinili ni Mommy kahapon. Nagdala na lang din ako ng coat kasi sleeveless yung dress.
(Kaela's Dress)
Nagsuot ako ng high heels na beige at ginamit ang LV kong bag. 2nd time ko lang ito gagamitin, ang 1st time ay nung sumimba ako nung 27 last last month. Isang buwan na akong kasal nun. Ay, 27 din pala ngayon, ibig sabihin 3 months na akong kasal. Haiii. Asan na kaya ang asawa ko?"Ang ganda ng bag mo ah!" Bati ni Mommy
"Ganda no? Binili ko yan sa Divi. Parang original talaga no Ma?"
"Sigurado kang Divi lang yan?"
"Opo naman Ma!"
"Eh etong singsing mo, antagal ko na neto nakikita eh. San ba ito galing? Aspial itong isa ah."
"Ai nako Mommy! Sa SG night market ko yan binili, ang ganda no?! Parang totoo no?"
"Mukha namang wedding ring ito. Tanggalin mo nga yan at baka akalain ng mga tao'y kasal ka na."
"Yaan mo na lang Ma. Ang ganda kaya. "
Buti na lang at malabo na ang mata ni Mommy pero kung nagkataon na matititigan nya ang gamit ko, malalaman at malalaman nyang hindi fake ito. She has an eye for this goods.
"Bahala ka na nga. Galingan mo sa interview ha!"
"Opo. Ay Ma, hiniram ko kay Papang yung luma nyang kotse. San na yung susi?"
"Naku! Ipinahiram ko kay Ate Nicole mo. Magdedeliver daw sya kasi sa Marikina eh."
"Hala! Si Mommy naman! Alangan namang magcommute ako ng ganito??? Dapat hindi na ako nagayos ng buhok eh."
"Sorry na. Hindi ko naman alam na gagamitin mo. Tawagan ko si Ate mo para ihatid ka hanggang dun sa pagiinterviewhan mo."
Mabuti naman at bumalik si Ate Nicole para ihatid ako dun sa SGC Foundations Inc. Nakakaloka kung commute ako! Edi dapat hindi na lang ako nagdress at nag ayos ng buhok.
Etong si Ate ambilis magpatakbo kaya kahit mejo naipit kami ng traffic sa C5 ay maaga pa rin ako. Pinagiisipan ko kung magkakape ba muna ako o tutuloy na lang ako sa pagiinterviewhan ko. And I choose the latter. Umakyat na lang ako at hinanap si Ms. Carleen Tamayo.
BINABASA MO ANG
TRAVEL GOALS: My Bucket List
Romanzi rosa / ChickLitNabored. Nagtravel. Nagkaasawa.