Kaela's POV
Mabilis na tumakbo ang panahon. Ngayon, well adapted na ako sa office. Alam na ng staff ko na mahigpit ako sa time frame pero maluwag ako for breaks and leaves. Okay lang din sa akin ang flexi time pero dapat by 10 am nasa office sila. Mula nang payagan ko ang flexitime nila, mas naging productive sila. At mabilis nilang naidedeliver ang mga kailangan sa kanila. Minsan naglulunch out din kaming buong team.
Mabilis akong natuto ng mga bagay bagay dahil talagang effective ang department namin. Hanggang ngayon iniisip pa rin nila kung sino ang asawa ko, kahit na may picture kami sa office.
Kilala na si Jake sa bahay pero bilang boyfriend ko. Nagtatampo kasi sya na naisasama ko si Carleen sa amin pero sya hindi. Unbelievably, magkasundo sila ni Papang. Minsan pa nga pag linggo, nag shoshooting range sila. At doon po naiinggit ang mga kapatid ko. Paano ba'y hindi naman kasi si close si Papang sa mga asawa nila.
Kilala na din ako ng mga in-laws ko. Yes, alam na nilang kasal kami. His mom is the epitome of a kind mother. Grabe ang bait ng Mama nya talaga. Actually, pinipilit nila na magpakasal na kami sa simbahan, ako lang yung may ayaw pa. Hanggang ngayon kasi hindi pa ako sinasabihan nitong si Jake ng I love you. Aba, malay ko diba?
Iba pa rin kasi ang assurance na mahal nya ako, yung galing mismo sa bibig nya. Action wise, wala akong masasabing masama. He's actually the sweetest pero words have not been spoken yet.
Ako naman, nagpapakabuting asawa sa kanya. I see to it that I'll cook breakfast and dinner for him. Inaayos ko din ang mga gagamitin nya araw araw from his underwear to his tie.
Kilala sya ng mga kasama ko dito, actually, nakakasama pa namin sya minsan pag nakain pero hindi nila alam kung ano at sino sya. Alam nilang Chief Engr sya ng isang project pero hindi nila alam na si Jake ay si Jacobo.
***knock knock***
"Yes Mai?"
"Ma'am, si Ma'am Crissandra po papunta na naman dito."
"Ano bang problema nung taong yun? Andami nya dapat inaasikaso sa events nakikialam pa sya sa atin."
"Haii naku Ma'am. Sinabi mo pa. Pero anjan na po siguro yun kasi kanina papunta dito eh."
Si Crissandra ay hindi ko alam kung bakit init na init sa department ko. Hindi ko rin alam bakit galit sya sa mga staff ko. At lalong hindi ko magets ang init ng dugo nya sa akin. 3 months pa lang ako dito at wala pa akong nakakaclose na tao sa labas ng department ko maliban sa taga budget and finance at kay Carleen.
"Nikkaela."
"Yes Ms. Crissandra, what can we do for you?"
Dahil naiinis na ako sa kanya, hinyaan kong bukas ang pinto ng opisina ko para maraming makarinigng tinis ng boses nya.
"I told your stupid staff to book me 3 wing van for the event this afternoon! Hanggang ngayon wala pang confirmation! Is this how you do your job?"
"May I know who among those people are you pertaining to?"
"Ivy."
Sa inis ko sumigaw na ako. Pagdungaw ko ng pinto.
"Ivy get in here now! Come here bring your log book and print the requests and your emails."