CHAPTER 43

41.1K 551 8
                                    

Kaela's POV

"Hui Jake! Bumangon ka na jan! Hindi ka ba papasok?!"

"Hmmmn. Come here Sweetheart. Let's cuddle first."

"Cuddle ka jan! Hirap na hirap nga akong bumangon tapos papahigain mo na naman ako! Hala! Bumangon ka na at pumasok!!"

"Hmmn."

"Haii. Bahala ka nga jan."

Pumasok na lang ako sa banyo at naligo. Nakita ko naman ang repleksyon ko sa salamin. Haiii baby, ilang araw na lang mayayakap at mahahalikan na kita.

9 months na akong buntis at ano mang oras, maaari na akong manganak. Paglabas ko ng banyo, kakabangon lang ng asawa ko.

"Hmmmn, smells good." yakap nya mula sa likod ko

He bend down infront of me and helped me wear my panty. Hirap na hirap na nga kasi ako kumilos miski simpleng pag galaw lang.

Binuksan ko ang tv para sana manuod nang bigla na lang sumakit ang tyan ko. Pinakiramdaman ko muna. Minsan kasi niloloko ako nitong anak ko eh. Pero God! Iba ang sakit! Huhuu. Oh my God! My waterbag!

"Jaaaaaaaaaaaakee!!! Arggh! Jaaaaaaaake. Ahhhh!!!!!!"

Lumabas naman si Jake na nakatapis.

"Sweetheart! What's wrong??"

"Manganganak na ako! Huuu. Jake! Ang sakit na! Wooo."

"Really?! Oh, Shit! Let's go to the hospital!!"

"Baliw ka ba?! Pupunta tayo dun ng hubad ka?? Magbihis ka na dali! Itong anak mo nagmamadali na!"

Jake hurriedly dress up and carry me to his car. We miraculously survive his driving. Nung dumating kami sa ospital, agad akong pinasok sa delivery room, ang problema hindi pa ako fully dilated. Hindi na talaga ako makahinga sa hirap pero okay lang, para sa baby.

Inabot ako ng 17 hours bago maging fully dilated. Tinawag na nila si Jake when I was about to deliver our baby.

"You follow my count okay? On 3 you push okay?"

I nodded.

"Okay, contraction. I'll count. 1..2..3.. push."

"ahhhhhhhh"

"Okay, one more. 1...2...3 push!!!"

"Ughhhhhhh"

"I can see the head. Give me a stronger push. okay, ready, 1....2.....3 push!!!"

"Woooooooo!!!"

"Uwah... uwah... uwah..."

"A healthy active boy."

"Sweetheart. Thank you. I love you." Bulong sa akin ni Jake

Wala na atang music ang gaganda pa sa boses ng anak ko. Lord, thank you po.

Ibinaba ng doctor ang baby sa may bandang dibdib ko para mayakap. Heto na sya, ang anak ko. Buhay, mainit at umiiyak.

"Shhhh. shhh. Mommy's here baby. Hmmmn." I said as I kissed his head

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon