Special Chapter 3

21.2K 434 25
                                    

Nikka's POV

"Mommy!!! Please? Gusto ko lang naman po maexperience yung camp eh!" Annika hissed

Kanina nya pa yan sinasabi mula nung sunduin ko sya sa school nya kasi she enlisted herself sa junior camp na palagay ko'y walang papayag. Jake had been extra protective of his only girl. Isama pa ang mga kuya nya. For sure, no one would say yes to what Annika wants.

"Anak, baby ka pa eh. Hindi ka pa pwede sa camp. Alam mo naman na hindi ka papayagan ni Daddy mo diba?"

"Lagi naman akong hindi pinapayagan Mommy! Bakit ganun? Sila Ate Ysme, Ysa, Yvie, Ylie nipapasama naman nila Mama Carleen. I feel so jealous Mommy!" Iyak ni Annika

"Haii naku anak, as much as I want  you to join, masasad si Daddy, kaya better if we'll talk with Daddy and let him sign the permission slip, okay?"

"But Mommy!"

"Mamaya kay Daddy."

This little girl is so persistent. Hindi ko alam kung ano bang meron sa camp na yun at ang isang 7 years old, grade 2 student ay hook na hook. Usually, Jake never allow our only daughter to go overnight kahit pa ba playdate yun o kahit sa kabilang bahay lang nila Carleen. Hindi nga sya pumapayag na hindi nya nakikita ang anak nya sa gabi. Pwede pa ako mawala sa paningin nya but never his little Annika.

Kaya I am 99% sure na hindi rin sya papayagan sa camp. That camp is freaking 4 days! Baka mahimatay ang asawa ko sa stress at pag-alala sa kanyang prinsesa.

Having a child at 40+++ is really hard but worth it. Gawd! I feel so old. Akalain mo ngang nakahabol pa kami ng baby girl. Although our only girl is rotten spoiled by her father and ofcourse her 3 older brothers, there are privileges she can't enjoy.

"Baby, c'mmon, dinner na." I knock her door

Sabi ng mga maid, kanina pa nila kinakatok si Annika but she won't listen. She won't even answer.

"Ayaw kong mag eat Mommy!" Haii naku, nagtampo na ang bata

"Baby, diba sabi ko kausapin natin si Daddy?"

"Hindi naman papayag si Daddy eh!"

"Baby, kakain na ha. Andoon na lahat ng Kuya mo at pati si Dad, tayo na lang ang wala. Halika na."

"Ayaw ko."

"Annikaeleen!"I shouted

Bumukas naman ang pinto at lumabas ang nakasimangot na si Annika. Sa akin lang takot si Annika. Paano, her father follows all her whims. Ako namamalo, naninigaw. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa pagpapalaki ng anak ko. My child, my rules! Hindi pwedeng lalaking hindi sumusunod ang mga anak ko. They need to know what is right and what is wrong. Hindi pwedeng maging pasakit sila sa ibang tao. They might not be kind people, because hello, I am not a kind person pero atleast they could be good citizens of the world.

Mapayapa kaming natapos sa pagkain kahit puro saway kay Annika ang nangyayari.

Andoon yung bigla syang magbubuntong hininga tapos ayaw kumain ng maayos. Haiii. Buti na lang pala at iisa lang ang anak kong babae.

 I still remember how my Mommy always tells me na kapag nagkaanak ako nang gaya ko, tatawanan nya ako. And gawd, raising a daughter that replicates you, sucks! Kailangan ko talaga ng divine intervention.

At dahil nga mana sa akin, etong bunso ni Jake , talagang nananadya. She is really showing how disappointed she is because nobody seems to agree with her being in the camp. And being the brat that she is, talaga namang hindi sya titigil. Okay lang sana kung kasabay ng camp nya ang camp ng mga anak ni Carleen kaya lang, next week pa ang camp ng intermediate grades.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon