CHAPTER 26

40.3K 590 3
                                    

Kaela's POV

It was late already when we woke up on our 4th day. Nagising lang ako sa ring ng telepono dahil naghihintay na daw si James sa lobby. Nagsuot ako ng maayos na damit then went down to fetch him para dun na lang sya maghintay sa room. Okay lang naman kasi nakahiwalay naman ang bedroom sa reception at kitchen.

Pagbalik namin sa room, narinig ko na naman na nagduduwal si Elle. Oh well, nasasanay na ako na taga abot ng tubig nya.

"Sorry ha, nalate na kami. Si Zea kasi tulog pa tapos si Elle, ayun mamaya pa yun lalabas sa bathroom."

"Ikaw pa rin ang pinakamaaga gumising sa inyo."

"Some things never changed."

"Talaga pa lang buntis si Elle ano? Akala ko joke lang yun kagabi."

"Totoo yun, 3 months. Ang cute nga kasi twins ang magiging baby nya."

"Good for her."

"Kaya nga. Excited na din kami ni Zea eh."

"Ikaw ba?"

"Anong ako?"

"Kailan mo balak magbuntis?"

"We're trying kaya lang siguro dahil pareho kaming busy at stressed hindi pa kami makabuo. Maybe after our church wedding."

"Magpapakasal ka ulit?"

"Yeah. Busy lang talaga ang asawa ko ngayon kaya hindi namin maasikaso. But my mother-in-law threatens us para magpakasal sa church next year."

"How does your parents accepted?"

Syempre hindi ko sasabihin na hindi alam ng parents ko diba? Hello. Ayaw ko namang masira ang image ng gwapo kong asawa.

"Papang's actually cool with him. Nagbobonding sila sa shooting range."

"Really????"

"Bakit ba nagulat ka? Haha. Oo, magkasundo sila ni Pang."

Mukhang hindi sya makapaniwala palibhasa'y deadma sya kay Papang nuon.

"Sandali nga at tatawag ako para magpadala ng breakfast. Mukhang mamaya pa tayo makakaalis."

I just called the restaurant to send us sone foods. And because it's half day already we just decided to enjoy the Lotte World. Dun na rin kami naglunch sa loob.

Hindi ko alam kung ano ba ang plano ng dalawa kong kaibigan at tuwang tuwa silang iwan ako kay James. Well, sa akin hindi na issue. Moved on na talaga ako at masaya na kay Jake.

Dinala kami ni James sa Gwanak-gu para kumain ng Multi-tiered Steamed Seafood. Sobrang nageenjoy talaga sa foods dito kaya naman we are super full. At dahil busog na busog pa kami, after we decided for some more walk. Nagpunta kami sa Cheonggyecheon Stream for a beautiful light display at night.

"Kaela,.."

"Hmmn?"

"This might be very late but I want you to know that I am really sorry for what happened to us."

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon