Kaela's POV
Ginayuma ata ako nitong mokong na to. I just say yes to him and we'll get married later in Vegas. Nakakaloka. Isang oras lang may 10 year multiple entry visa na ako going to US. He said he was friends with one of the Consular kaya mabilis. Akala ko nga joke joke lang kaya pikit mata kong ibinigay ang passport ko kanina pero heto, hawak ko na ulit ang passport ko na may visa. Can't believe this. Paano nyang naayos yun na hindi man lang ako nakita ng consular. Ni hindi nga ako nakapagpainterview. Nagbigay lang ako ng 2x2 picture at tapos na. Iiyak ang kaibigan kong si Zea kapag nakita nya ito dahil sya, ilang beses na nagapply ng visa laging denied.
Kanina, we bought our wedding suit. Ihhh. Kinikilabutan ako dun sa word na wedding feeling ko hanggang ngayon nagdadaydream lang ako. Sabi ko, simple lang syempre. I chose a white longsleeve polo for him and a light brown pants. Tapos ako isang laced dress. Okay, simple lang sya, pero ang presyo nya ay isang magandang entourage na sa Pilipinas. May business ang ate ko na wedding botique at sa mental computation ko sa damit namin, isa na itong buong entourage may kasama na ring veil at gold coins.
Binili nya din ako ng silver pump YSL shoes. Nung una ayaw ko, hinihila ko nga sya sa mas murang store pero ayaw nya. Dun daw kami bumili. Jusko, pagdududahan ko pa ba ang pagpapakasal sa lalaking ito? Kung ako lang, alam kong di ko to afford, sabi ko nga pag kinasal ako charles and keith lang pero boom, what is YSL diba?
(white laced dress)
(white polo/brown pants)
Isa pa, nakakalula ang presyo ng engagement ring at wedding ring namin! Aba! Hindi man nya pinasilip sa akin alam kong malaki ang halaga nun. I've had heard of Lee Hwa and Aspial dahil mahilig ang Mommy ko sa alahas at ang napili ni Jake ay galing sa mga nabanggit kong brand. Jusko, inggit ang Mommy ko kung malalaman nyang dito galing ang sing sing, oh, engagement ring at wedding ring ko. Hihihi
Madami kami pinagpilian. Si Jake kasi ang gusto nya yung madaming bato. Gusto nya atang habulin ako ng holdaper paguwi ko ng Pilipinas. Gusto nya yung takaw pansin. Nakakaloka talaga kasi ako, ayaw ko ng super bongga dahil agaw pansin kaya. Buti na lang at ako ang nasusunod. Sa engagement ring, hindi mura pero hindi yung pinakamahal ang pinili ko. Ang ganda ganda ng mga sing sing namin. Excited tuloy ako sa kasal. Naghintay lang kami ng ilang minuto kasi pinaengrave ni Jake ang pangalan namin at date ngayon.