Kaela's POV
"Ikaw Nikkaela wala ka na bang gagawin sa buhay mo kundi gumala ng gumala ha? Aba! Magipon ka naman!"
"Mommy naman! May ipon naman ako ah?!"
"Asaan?? Dapat may nabili ka ng property! Kahit kotse man lang! Paano kapag nagasawa ka? Aasa ka na lang sa magiging asawa mo ha? Magipon ka! Magkaroon ka ng sarili mong pera!"
"Ma, aalis na ako! Babye. Hindi na ako magpapahatid. See you in 6 days. Lab yu! Babye!!"
Nagmadali na akong umalis kasi si Mommy hindi yan titigil ng sermon hangga't nakikita nya ako. Nagpadaan na lang ako kay Zea, ihahatid kasi sya ng kapatid nya.
Almost 4 hours ang flight papuntang Korea. Buong byahe ata akong tulog tapos etong si Elle, maya't maya ay naduduwal. Binigyan na nga sya ng stewardess ng unan para komportable ang pwesto nya. Lahat na rin ata ng candy na meron sila dun nakahain na kay Elle. Jusme, hirap pala magbyahe ang buntis.
Pagbaba namin sa Incheon Int'l Airport, ay naghanap agad kami ng makakainan. Isang bagay ang common sa aming tatlo, ang bilis naming magutom at hilig namin sa pagkain.
Mukhang trip ng twins ni Elle ang Korean food dahil talagang madami syang nakain. Nagawa pang magtake out. Nung solve na kami sa pagkabusog namin, dumirecho na kami sa hotel. Syempre, sa taksi kami sumakay dahil kay buntis. Almost 1 hour ang travel
mula airport hanggang hotel.Pagdating namin sa hotel, natulog na si Elle. Kami naman ni Zea ay napagtripang magsoju muna.
Tumawag si Jake sa akin via skype kaya nagpaalam muna si Zea na magbububble bath daw muna sya.
***Video Call***
Jake: How are you sweetheart?
Me: I'm good. Kakasettle lang namin dito sa hotel. Look oh, ganda ng room namin no?
Jake: You're all together in one room?
Me: Of course!
Jake: You can book on your own. Use the card I gave you.
Me: Ano ka ba! Ganito talaga kami kapag nagtatravel.
Jake: Where are they?
Me: Elle's sleeping already. Zea's taking a bath.
Jake: And you're drinking Soju alone?
Me: Hindi ah! Kasama ko si Zea kanina, kaya lang nung tumawag ka iniwan nya na ako.
Jake: Send me the details of your hotel.
Me: Huh?
Jake: Just send me. Anyway, I need to go. I'll inspect one wagon. I'll see you soon sweetheart. Take care please. I love you.
Me: Yeah, see you soon. Take care and I love you too.End call.
Dahil busy pa si Zea sa banyo, Inayos ko muna ang gamit ko at susuotin ko bukas. Itinuloy ko din ang paginom ng soju. Fall ngayon ang weather dito sa Korea pero malamig.
Nanood na ako ng tv nung lumabas si Zea, madali naman akong pumasok sa banyo para maghalf bath. Tinatamad na akong magbasa ng buhok.
Naabutan ko naman si Zea na nasa couch at nanunuod ng pinapanood ko kanina habang nagboblower ng buhok.
"Magkakape ako. Gusto mo?"
"Sige nga."
Idinamay ko na si Zea ng kape na tinimpla ko.
"Kaela, ni minsan ba nagsisi ka dahil nagpakasal ka na ikaw lang ang nakakaalam?"
"Hindi. Alam mo namang hindi ko ugali ang magkaroon ng regrets. Bakit? Ikaw ba nagsisisi ka?"
"Hindi rin. Pero nung makita ko kayo ng asawa mo na naguusap hindi ko mapigilang mainggit. Gusto ko rin sanang magusap kaming dalawa, sana ay nakakamusta ko man lang sya kung okay ba sya."
Nakinig lang ako kay Zea. First time nya kasi magoopen ng saloobin nya tungkol sa kasal nya eh.
"Alam mo ba kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya? Kasi kitang kita ko sa mga mata nya ang pangarap nya. Kasi ramdam kong gagawin nya ang lahat, matupad lang ang pangarap nya."
"Ang pinagsisisihan ko lang ay hindi ko nakuha ang kahit anong contact nya. Edi sana'y nakakamusta ko man lang sya para naman malaman nyang may nagaalala sa kanya."
"Alam mo bang every month ay may dumadating na tseke sa akin? Nakakagulat pero nung vinerify ko, galing yun mismo sa US Government. Ang mga navy daw ang naghahati ng sweldo nila at nagdecide kung paano ipapadala ito."
"He made sure I am able to get his support for me for being his wife pero ako, wala akong magawa para sa kanya. Nagaalala ako pero hindi ko yun maiparamdam sa kanya. Ni hindi ko nga alam kung nasaang parte sya ng mundo."
"We'll find a way Zea. I promise you. Pero ngayon, ienjoy na muna natin ang trip na ito. Pagbalik natin, hanapin natin kung nasaan ang asawa mo. I'll help you. I promise."
Maluwag ang puso na natulog kaming dalawa ni Zea na magkatabi sa king sized bed. Tapos solo si Elle sa twin bed kasi ayaw naming tabihan sya natatakot kaming masaktan ang babies.
Nagising kami sa ingay ng pagduwal ni Elle. Okay, morning sickness.
Bumangon na ako at inabutan ng tubig si Elle. After nya magduwal sabi nya maliligo na daw sya ng tuloy. After nya, ako naman ang naligo then ginising namin si Zea para sya naman ang magayos. We had our breakfast in the hotel bago kami pumunta sa Gyeongbokgung Palace. At dahil kay buntis, hindi kami nagmamadali. Sinulit talaga namin ang pagikot dun.
We had our stroll and shopping at Namdaemun Market. Mabilis lang naman kami dito. Then we decided to watch a show in Myeongdong Nanta Theatre. It was at mid afternoon nung matapos ang show kaya bumalik na mun kami sa hotel to be able to rest. At 6:00 in the evening, we prepared for dinner at Sindangdong Tteokbokki.
As usual to end the day, lumabas pa ulit kami ni Zea to drink Soju and find some good street food. Buti na lang maaga matulog si Elle hindi kasi pwede sa kanya ito.On the next day, we went go Bukchon Hanok Village. We had pictures there wearing traditional Korean dress. Ang cute kasi super colorful. We had our lunch at Tosokchon Samgyetang kung nasaan ang masarap ang famous korean ginseng chicken soup . After we eat, we spent hours shopping again at Insadong.
Pero unexpectedly, we meet an old flame este old friend.