Kaela's POV
Buti na lang at nakakuha agad ako ng taxi pagbaba ko. Buti na lang din at tapos na ang gagawin ko kaya pwede na ako umuwi.
"Haii naku anak! Nakakainis ang Daddy mo." Sabi ko habang hinahaplos ang tyan ko.
Andito ako ngayon sa living room at nanunuod ng tom & jerry.
"Sweetheart!" Biglang pasok ni Jake na mukhang pagod na pagod
Hindi ko na lang sya pinansin. Patuloy ako sa panunuod at pagkain ng patatas na pinrito ko kanina.
"Sweetheart." tumabi naman sya sa akin at humalik pero umiwas ako
"Matagal na akong nagtitimpi sa inyo Jake. Pwede ba kung ayaw mo na sa akin, sabihin mo?"
"What?!"
"Yamot na yamot na ako sa Janine na yan ha! Napakalandi nya!! Ikaw naman! Huh! Magkatext pa kayo ha!"
"What? I don't respond to any of her text. You know that right? I don't even answer her calls!"
"Ewan. Umalis ka sa harap ko. Naiinis ako sa'yo."
"Sweetheart. You trust me right?"
I take a deep breath.
"Please don't break it."
Sabi ko at yumakap kay Jake.
"You're better than anybody else, remember that. Plus, you'll gonna have my Jacobo the second so you shouldn't get jeaous."
"Anong Jacobo the second?! Hindi ako payag. Your name sound old!"
"Ah, old huh?" Then he tickled me
Bigla namang lumikot din si baby sa tyan kaya kinausap nya ito. Nakakatuwa kasi he seems to be playing with his Daddy. Sumusunod kasi sa daliri ni Jake yung sipa ng baby.
Pinitik ko naman ang noo ni Jake nung nasasaktan na ako.
"Sayang saya kayong mag-ama, anlakas sumipa ng anak mo. Masakit na."
"Sorry Sweetheart. Say sorry to Mommy baby."
That night we cuddled to bed to sleep. Mejo madalang na ang sexy time namin kasi nahihirapan na ako lalo na't sobrang maglikot si baby. Madalas nauuwi na lang kani sa pagyayakapan.
"Sweetheart,"
"Hmmn?"
"Hindi mo gusto si Janine?"
"Nope."
"Promise?"
"Cross my heart."
"Hindi mo sya nagustuhan kahit kailan?"
"Where is this talk going huh?"
"Please promise me, you'll never leave me huh? Lalo na kung dahil lang sa kanya ha?"
"I won't. Never."
"Mahal na mahal kita Jake."
"And I love you so much Nikka. More than anything in this world."
Assurance. Yun lang naman talaga ang kailangan ko. Assurance na hindi nya ako iiwan at mahal nya ako.
Maaga kaming pumasok sa office kinabukasan. Ipinaban na din ni Jake si Janine sa condo para hindi na sya makisabay pa kay Jake.
"Good morning Ma'am. Madami po tayong meeting today."
"Okay. Thank You Mai"
At pag sinabing madami, madami talaga. Mula umaga, 2 hours lang ang pahinga ko for lunch tapos diresirecho na.
Huli kong meeting ay marketing team. Magbubukas kasi sila ng donation drive. So nagpaplano ang team ng event. Magaling naman ang AVP nila dito kaya walang problema. Ang masaya sa meeting na ito, masarap ang pagkain kaya lang, bawal na ako uminom ng matatamis eh kahit na gustong gusto ko yung lemonade na inilagay nila sa pwesto ko.
"You din't want lemonade Ma'am Nikka?" Sabi ni Crissandra. Oh well, people change. Mukhang mabait na sya sa akin at sa Logistics team.
"Ah, I actually want it pero hindi na kasi ako umiinom ng kahit anong may kulay pwera gatas. You know, preggy rules."
"A glass wont harm Ma'am. Kung gusto mo talaga, you can drink it. Sayang masarap pa naman, diba guys?" Crissandra
"Actually Ma'am, masarap nga. Si Crissandra pa nga po nagtimpla lahat nito eh."
"Okay okay, I'll drink some pero hindi ko uubusin. Malalagot ako sa asawa ko once he knew."
"We won't tell Ma'am." Loko pa ng isang staff
"Oo, because once he knew, pare pareho tayong lagot."
Sobrang pagod ko sa buong maghapon, nakatulog na ako ng maaga paginom ko ng gatas. Maaga na din ako nagdinner kasi sabi ni Jake he'll come home late daw.
Jake came home late dahil naglalatag na daw ng kuryente sa site. Natulog ako na mejo masama ang pakiramdam ko, mejo sumasakit kasi ang tyan ko. Siguro dahil nga sa sobrang pagod ko. Hindi ko na rin nahintay ang asawa ko. Ipapahilot ko pa naman ang tyan ko. Parang nagkakacramps ata.
Nagising na lang akong namimilipit sa sakit ng tyan. Ang sakit talaga. Hindi na ako makahinga sa sakit. Kinapa ko ang tabi ko, wala ang asawa ko. I called him. Sobrang sakit talaga ng tyan ko. I called him so many times pero hindi ko sya macontact.
Kailangan kong tumayo kasi bigla akong nakaramdam ng pagsususka. After ko magsuka, lalo pang sumakit ang tyan ko. Nahihilo na din ako.
I tried calling Jake again. Shit! Hindi ko na kaya ang sakit! Hindi pa rin sumasagot. Si Carleen na ang tinawagan ko. Sumagot si Carleen pero hindi na ako nakapagsalita ng ayos. I just called help. Natakot ako ng makita kong may umaagos ng dugo sa mga binti ko. Pilit ko sanang bubuksan ang pinto pero hindi ko na kinaya.
Natatakot na talaga ako, may dugo. Madaming dugo. Madaming madaming dugo ang umaagos sa binti ko. At sobra sobra ang sakit na nararamdaman ko.
I am slowly losing my light. Naririnig ko may nagdodoorbell pero hindi ko mabuksan ang pinto. I have a hard time breathing. Napaiyak na lang ako. Will this be the end?