CHAPTER 10

46.4K 651 10
                                    

Kaela's POV

Bakit ba kasi pumayag pa akong maginom kami kagabi ayan tuloy, lalong mahirap gisingin ang halimaw na ito. 8:00 am na at sarap na sarap pa rin sya ng tulog. Nagsimula akong gisingin sya ng 5:30 tapos 8:00 na hindi pa rin sya bumabangon.

"Sweetheart, gumising ka na! Iiwan talaga kita! Kailangang sulitin ko na tong araw na to eh!"

Hindi talaga gumigising.

"Jake!!!"

At dahil naiinis na ako, tinulak ko sya kahit sobrang bigat nya.

"Ouch!"

Haii. Sa wakas nagising din sya.

"Kapag hindi ka pa nagayos within 20 minutes iiwan na kita. Sumunod ka na lang kung gusto mo. Uuna na ako."

"You angry sweetheart?"

"Wag mo akong isweetheart jan! Bilisan mo na kumilos!!"

An because he's a guy and still gwapo kahit 10
minutes lang ay tapos na sya mukha pa rin syang nagprepare for hours.

"Sweetheart?"

"Okay ka na? Alis na tayo?"

"You're not angry anymore?"

"Di naman ako galit no! Naiinis lang ako kasi sayang yung oras."

"I'm sorry sweetheart. It's just so comfortable sleeping beside you."

"Tigilan mo na nga ako. Halika na nga."

Mabilis kaming nagbreakfast sa hotel. Infairness, ansarap ng lahat ng nakahain. Inuna naming puntahan ang cable car. At dahil maaga kami, walang pila at nasulit naming mabuti ang paligid. Wala kasing crowd pa.

Nagenjoy na lang ako ng pagkuha ng pictures ng paligid, selfie ko at syempre, picture namin. Napansin ko din na clingy ang halimaw na to ngayon. His hands if not on my shoulder were in my waist or intertwined with my hands. Halos 2 hours lang kami dito. Syempre I did not forget to buy souvenirs na binayaran ni Jake! Haha! Para tuloy ako may walking wallet.

It's almost lunch time when we arrived at Universal Studious kaya nagdecide kaming kumain muna. Kung ako lang magisa, hindi ako kakain dito sa loob! Susme! May ginto ang mga pagkain! Sobrang mahal! Pero yung kasama ko, gusto ata tikman ang pagkain ni Shrek kaya ayun at kumain kami.

I mentally note my time frame here. Dapat by 2:00 pm magstart na akong mamili kaya dapat at 2:00pm naikot na namin itong Universal. We got a map and I plot those I wanted to go. Thursday ngayon, hindi naman masyado marami ang tao pero hindi rin ganun kaluwag.

Habang nagiikot kami sa Universal, isa lang ang napapansin ko kay Jake. He looks so happy and he's very patient with me.

Nang mejo mapagod kami, we decided to take a seat first and bought Ice cream. Napansin kong makalat kumain ang halimaw na gwapo sa tabi ko kaya kumuha ako ng wipes sa bag ko at pinunasan ko ang bibig nya.

"Ay ang kalat naman."

"Thank you sweetheart" Sabay kiss sa akin

Umiiwas naman ako kasi may chocolate ice cream pa sya sa labi.

"Waaaah! Jake wag! Ano ka ba! Hahaha"

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon