CHAPTER 24

39.7K 545 3
                                    

Kaela's POV

"Ano ba yan kasi antagal tagal naman ni Elle." reklamo ko kay Zea

"Eh lagi namang late yun eh!" Zea

"Haii Grabe talaga." Sabi ko

"Napansin ko nga laging late ngayong pumapasok yun. Nung isang beses nga sabay pa kami pumasok." Zea

"Huh?! Unusual ha."

Si Zea at Elle ay magkapitbahay I mean magkapit condo. Magkaiba lang ang oras nila ng pasok kaya mejo hindi rin sila nagkikita.

"Mabuti pa, tara na munang magbreakfast. Nagugutom na ako eh."

"Osige. Tara?"

Okay. Nakapagamusal na kami at lahat, aba, hindi pa nakakarating itong si Elle. Si Zea, nakabili na ng sapatos. Almost lunch time na ng dumating si Elle.

"Oh My God. You are so late."

"Sorry na. Sorry na talaga . I overslept again. Haii. Sorry talaga."

"Overslept? Nagpalit na ba kayo ng katauhan netong si Zea?"

"Oi grabe ka sa akin ha!"

"Nagtanong lang. Hindi naman kasi itong si Elle ang nagooverslept, diba nga kasi nagjojog pa to sa umaga?"

"Mahigit 1 month na akong hindi nakakapagjog. Lagi kasi akong tulog."

"Mamaya na kaya tayo magkwentuhan?? Punta muna tayong agency. At ipasa na natin muna ito."

Sumunod naman kami kay Zea. Mabilis lang naman sa agency, nagfill up then pinasa yung mga requirements. After 6 days makukuha na namin ulit yung passport namin with visa. I'm pretty sure na maaapprove yun, may us at schengen visas na nga yun eh.

We decided to have lunch pero nagtatalo pa din si Elle at Zea kung saan kakain.

"Sige na naman Zea, gusto ko ng tahong!"

"Ayaw ko nga ng seafood kasi."

"Ay dun na lang tayo sa eat all you can! Para makapili kayo ng gusto nyo lang. Nakakaloka."

Pumayag naman yung dalawa.

"Kayo bang dalawa eh nagpaalam sa asawa nyo ha?!"

"Nagpaalam ako."

"Hindi ko nga alam kung nasaan yun. Paano naman ako magpapaalam?"

"Wiii, namimiss mo ba si Mr. Lewis, Mrs. Lewis?"

"Ayiiiiee."

"Tigilan nyo nga ako."

Tumahimik na lang kaming dalawa ni Elle kasi mukhang hindi na maganda ang mood ni Mrs Lewis.

"Hoi Elle! Tahong lang talaga ang kakainin mo?" Zea

"Oi! Magkanin ka nga. Hindi yang pakwan ang ipinapartner mo sa tahong." Sabi ko

"Ay grabe sya sa dami ng nakaing tahong oh. Ui Elle, aba! Ikaw na ang umubos ng tahong ah!"

"Wag nyo nga ako pakialamanan. Nung isang araw ko pa gusto nito eh." Elle

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon