CHAPTER 2

72.8K 1K 39
                                    

Kaela's POV

Sabi nga nila, kapag gusto maraming paraan kaya heto ako't nakasakay sa kotse. Ihahatid ni Papang papuntang airport.

"Nikkaela. Baka naman pwedeng huli mo nang paglayas mo na ito ngayong wala kang trabaho. Magtrabaho ka at hindi kita pipigilang umalis."

"Si Papang naman eh! Target ko pa nga po magKorea sa winter!"

"Nikkaela! Baka ikaw ang winterin ko! Sumosobra ka na! Magtrabaho ka muna!"

"Sige na nga Pang, promise na paguwi ko! magtatrabaho na ako."

"Yan ang sinabi mo nung pumunta ka sa Japan last year. Ganyan din ang linya mo ng magpaalam ka papuntang Qatar last month. Tumatanda ka na! Wala ka pang naiipon!"

"Tatak sa passport Pang!"

"Haii naku Nikkaela!"

"Ako naman ang paborito mong anak diba?"

"Hindi."

"Si Papang naman ih."

"Seryoso ako Nikkaela. Sayang naman ang tinapos mo. Kung ayaw mo talagang magtrabaho, bakit hindi mo asikasuhin ang grocery?"

"Pang alam mo naman na nabobored ako dun. Ayaw ko ng walang ginagawa."

"Ipapasok na nga lang kita sa munisipyo."

"Ayoko nga Pang."

"Itry mo muna kasi."

"Pagiisipan ko Pang!"

"Sa inyong tatlo talaga, ikaw lang ang nakakahindi sa akin. Ang mga ate mo sinusunod kung ano ang sinasabi ko. Nikkaela, malapit na akong magretire, ayusin mo na yang buhay mo."

"Oh edi mabuti yun Pang! Isasama kita sa lakad ko. hahaha."

"At tingin mo papayagan tayo ng Mommy mo? Naku Nikkaela."

"Andito na ko Pang! Salamat! Lab yu! See you in 5 days! Pasundo ulit ako ha? Ingat pauwi Pang!"

"Magtext ka samin ng Mommy mo pagdating mo!"

"Opo! Byee Pang!"

Obvious naman na Daddy's girl ako. Kasi kahit lagi kami magkaaway nyan, hindi naman nila ako natitiis. Sya at sya pa rin ang maghahatid at susundo sa akin sa airport.

Ate gave me 200 USD, Mommy gave me 150 USD, Pang gave me 250 USD. All in all, I have 600 USD. Okay, not bad. May pang gastos na ako pero kailangan kong magtipid. 1 credit card na lang ang pwede kong gamitin kasi maxed out na yung 4.

Mabilis naman ako nakapasok sa airport. In two more hours at lilipad na flight na namin. I made sure to contact Rona. Kaibigan ko na dun nagwowork sa Singapore.

While waiting I made a checklist on where to go and what should I do. Syempre, punta ng universal studios. Then, gala. Meet with Rona.

I also checked my social sites and posted #travel goals. Haha.

While waiting, I saw different kind of travellers. For leisure, for fun, for work. I saw some are excited. Some are still crying. And some are just like me. Kebs.

Hindi ako frequent flyer pero yun ang peg ko. Goal ko kasing maka30 countries before 30. Pero goal ko lang yun. Baka nga matagal na ulit bago ako makapagtravel. Nagagalit na talaga si Mommy.

Singapore is my 10th out of the country. My 3rd time to fly alone pero ito ang first time na alone flight ko dahil gusto ko. Yung 2 countries na alone ako, dahil yun ay pinadala ako ng kumpanya. Yung ibang out of the country, kasama ko ang pamilya ko o di kaya'y yubg dalawang best friend ko na may travel goals ding katulad ko.

I am not rich. Hindi talaga. My Papang is a mere government employee and my Mommy is a small time business woman. Pero, mejo nakakaluwag naman na kami kasi tapos na kaming tatlo sa pag-aaral. Nagbabayad utang na lang daw sila ngayon.

Nung 26 si Ate Nadia, pasado na sya sa MD at naghahanda ng mag-asawa. Si Ate Nicole naman, kasal na nun at may isa nang anak. Ako, naku! Kung hindi lang sana ako niloko at pinagpalit ng ex ko sa isang casino dealer, hindi sana ako single ngayon! Siguro nga, dapat ngayon may asawa na ako at may mga anak.

Naisip ko na naman, 26 na ako single at walang trabaho, teka, nag kuquarter life crisis siguro ako kaya heto ako't tinatravel theraphy ang sarili ko. Ano nga ba ang gusto ko? Itinry ko naman lahat eh pero hindi ako masaya. Ang hirap hanapin nang tamang path para sa'yo.

Lord, may naghihintay pa po ba sa akin? Makikita ko pa kaya yung para sa kin? Magkakapamilya pa po ba ako? Magiging single forever po ba ako? Okay lang naman Lord, pero sana kahit single mom po.

Haii Lord, sana sa SG ko na makita ang sagot sa mga tanong at dasal ko. Thank you po.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon