CHAPTER 3

63K 836 26
                                    

Kaela's POV

Finally nakatapak na din ang paa ko sa lupa. Haiii! Salamat naman at nakarating ako ng payapa dito sa SG.

It's not my first time to travel alone pero ngayon ko lang naramdaman ang excitement ng pagtravel. Feeling ko kasi something good will happen in this travel.

"Friend!"

"Hui Rona! Kumusta?!"

"Eto mejo haggard! Gabi kasi ako dumuduty ngayon! Buti na lang at maaaga ka, kundi baka hindi kita nasundo. Kumusta byahe?"

"Okay naman. Mabilis lang naman papunta dito."

"San ka titigil? Gusto mo sa unit ko?"

"Baliw. May hotel ako. Dun na lang tayo. Tas lunch tayo, libre moko."

"Osige. San hotel mo?"

"Sa Peninsula."

"Ah okay. Tara?"

Asensado na tong kaibigan ko, may pa kotse kotse nang nakalaman. Parang dati tricycle lang sinasakyan naming dalawa.

Pagdating namin ng hotel, ibinaigay ko na sa kanya ang nga bilin nya.

"Oh ayan ang bilin mo, bagoong, dilis, danggit, atsara, dried mango, pili nut, suman, coconut jam at tsitsaron. Jusko! Puro naman mabaho yan eh."

"Ano ka ba! Ang sarap kaya neto. Huwaw. Andami! Thanks talaga ng madaming madami friend!"

"May bayad yan! Ano ka?!"

"Okay, halika na maglunch na tayo kahit saan. Treat ko."

"Aba dapat lang."

Habang naglalakad kami tinanong ako ni Rona kung saan kami kakain.

"Kahit saan pero gusto ko may Michelin Star yung kakainan natin!"

"Aba! Ang sosyal mo naman. Mahal ang mga kainang may michelin star!"

"Aba, nagtanong ka eh. Sige na naman! Napaka neto eh."

"Oo na sige na. Dun tayo sa chinese restaurant na may MICHELIN STAR!"

"Haha! Yehey!!!"

And we went to that restaurant. Pagpasok pa lang, iba na ang ambience. Napakamaasikaso ng crew. Nung mag order kami napalaki ang mata ko. Shit! Mahal pala talaga, nasa 2 digits lahat ng pagkain! Haha. Napa subo nga ata sa akin si Rona.

Nang makaorder ko naghintay kami ng ilan pang minuto. After nun, dunating na ang mga pagkain. Hala, ayaw ko galawin kasi super ganda ng arrangements.

"Hui Kaela, kainin mo kaya yan. Kanina ka pa nakatitig jan ah."

Kanina ko pa kasi tinitingnan yung pagkain ko.

"Ang ganda kasi. Parang ayaw ko galawin kasi masisira."

"Kung ganun pala sana sa museum tayo pumunta. Pagkain yan hui, kainin mo!"

"Oo na eto na."

Malungkot kong kinain ang magagandang pagkain. Hindi na nga ako babalik sa ganitong restaurant. Hindi naman ako nabubusog. Nasasaktan pa ako sa pagsira ng art.

"San ka nito after?"

"Baka umikoy ikot muna ako sa mall"

"Aba! Madaming pera! Magshoshopping ka?!"

"Hindi no?! Magwiwindow shopping lang. La ako pera. Tingin tingin lang ganun."

"Maghapon kang gaganan dito?"

"Syempre hindi. Baka magbar ako mamaya! Tara?"

"May pasok ako mamaya! Bruha ka"

"Sige na! Itry na natin mamaya! Grabe to eh! Nakakaasar! Dito na nga ako nagpunta sa'yo eh."

"Osige na nga, sige na nga. Nangonsensya pa sya eh."

"Yey! Basta bar tayo mamaya. Yehes! Makakainom na ulit ako."

"Parang antagal mo na hindi nakainom ah?!"

"Oo! Months na. Mula nung magresign ako."

"Ayan! resign ka pa eh."

"Eh alam mo namang nababadtrip na ako dun."

"Kelan ba hindi?!"

"Kaibigan ba talaga kita?! Haii naku!"

"Hahahahahaha."

"Tawa ka pa. Mas madam." Inirapan ko na lang si Rona.

Sa pagiikot ikot namin, napansin namin ang nga couple sa may park.

"Kaels, bat di ka kaya humanap ng love life para di ka mabored sa buhay mo?"

"Gusto mo sipain kita?"

"Ang sungit mo."

"Alam mo namang matagal na akong naghahanap nyan. Papaulit ulit mo pa. Ihanap mo na lang kaya ako no?"

"Mahirap. Alangan ang mga gwapo dito eh. Kung hindi mabaho, maliit ang mata."

"Ay grabe sya! Racist ka!"

"Ano ba! Nagsasabi lang ako ng totoo. Edi sana kung may better option dito may love life sana ako. Hindi sana kita tinatyagang samahan! hahaha."

"Bastos!"

"Hahahahaha."

Naglibot libot pa kami ni Rona sa Botanical Garden tapos nagmall ulit tapos kumain. Nung gabi na, I asked her to go home first kasi magbibihis na din ako sa I could prepare for tonight's night life.

First time after so many years na magbabar ulit ako kaya naman nagprepare ako ng husto. I wear a simple dress pero maayos. Tonight, I want it to be different.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon