CHAPTER 17

44.5K 662 4
                                    

Kaela's POV

Closing na ng mall nung umuwi kami. At nadatnan namin si Carleen na naghihintay sa condo sa tapat namin. Nang mabuksan ko ang pinto, ipinasok na ni Jake ang iba naming pinamili, well, madami pa syang babalikan sa parking dahil napakarami nyang pinamili.

"Ehemn. Antagal nyo pong magdate."

"Carleen, nakakain ka na ba ng dinner?"

"Oo. Hinihintay ko kayo eh, may papipirmahan ako sayo kasi."

"Halika pasok ka."

"Wow, naayos nyo na agad to ha."

"Oo, excited kasi ako."

"Grabe para kang nagmagic. Kagabi lang sobrang plain at boring nito."

"Maghapon kasi naming inayos to ni Jake eh." Buti na lang at nauna na ni Jake ang mga inumin kaya binigyan ko ng juice si Carleen.

"Thanks, eto nga pala mga kailangan mong pirmahan. Eto contract mo, eto para sa bank account ng payroll mo, eto para change of civil status."

"Carleen, thank you ha."

"Naku wala yun! Mula nga ng ikwento ka sa akin ni Kuya, super excited ako. Ikaw lang pala ang magpapabait jan!"

Nginitian ko na lng sya.

"Eh tanong ko lang Nikka, paano yan, hindi alam sa inyo na magsasama kayo ni Kuya. Tsaka diba hindi alam sa inyo na kasal ka na?"

"Actually. Nagiisip nga ako ng magandang reason."

"Ganito na lang Nikka, sa tapat lang nitong unit nyo ang unit ko. 2 bedroom din yun so pwede nating sabihin na dun ka sa akin titira para hindi malayo ang uwian mo diba?"

"Sure ka ba?"

"Oo naman! Gusto mo bukas, sama ako sa bahay nyo tapos ipagpapaalam kita sa parents mo. Sabihin mo friends tayo at ako ang nagrecommend sa'yo."

Carleen's bright. Oonga naman, pwede yun.

"Sige, sabihin na lang natin naging classmate kita nung nagearning units ako for educ."

"Educ? Nageduc ka?"

"Ahmmn, earning units lang naman. 2 semester lang yun tapos ayun nakapasa ako pero never ako nagpractice."

"Bakit wala yun sa resume mo na nakaupload sa net?"

"Ay, hindi kasi yun updated. Gusto mo ba ng copy? Meron ako dito."

"Sige nga. Nakakaloka ka, LET passer ka pala."

"Ah, Carleen, anong oras ka pwede bukas para makauwi tayo sa amin? Kailangan ko ding iheads up ang Mommy ko kasi hindi yun nakakaappreciate ng surprise visit."

"After lunch siguro?"

"Sige."

"Pwede bang makiovernight sa inyo? Nakakamiss ang probinsya feels eh."

"Oo naman. Sige, sasabihan ko si Mommy. Mas mapapabilis for sure ang approval nila kapag andun ka."

"Oh edi game na! Haha"

After ko mapirmahan lahat ng documents na kailangan at makapagkwentuhan sandali ay umuwi na din si Carleen. Isinama pa nga nya ako sa unit nya para alam ko daw kung paano idedescribe kina Papang at Mommy ang titirahan ko.

Pareho lang ang size ng unit namin at ni Carleen. Pero mas simple ang gamit ni Carleen compared sa mga pinamili namin. Sandali lang naman ako sa unit ni Carleen at bumalik ako agad sa amin. Nakita kong nakagulong lahat ng pinamili namin sa living room at nang hanapin ko si Jake, ayun at nakatulog na sa sofa.

TRAVEL GOALS: My Bucket ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon