Kaela's POV
Finally, this day had come. Si Mommy sobrang busy sa pagaayos ng bahay. Kulang na lang ikukong nya muna ang mga bata para hindi magkalat. Ngayon kasi mamamanhikan ang pamilya ni Jake sa amin. Kahapon lang umuwi sila Mama pero push na push daw itong makapunta agad sa bahay.
Dito sa amin, ang pamamanhikan ay traditional pa din. I mean mejo. Kasi kailangan silang magdala ng foods sa bahay and all. Sinabi ko naman yun sa kanila at ang sabi lang ni Jake ay very easy. Ewan.
Lunch time nung dumating sila para makapagsalo-salo kami. Ipinahanda naman ni Mommy ang maganda at mahaba nyang table na may magandang table cloth. Sa palagay ko'y bago ito.
After the meal, we all sat, I mean sila kasi nakatayo lang kami ni Jake to talk about the wedding.
"Kung sa akin, I want the wedding to happen very soon. Antagal ko kasing hinintay ito." Mama
"I agree. The sooner the wedding, the better." Mommy
Gusto na talaga ako neto ni Mommy na ipamigay eh.
"Kayo bang dalawa, ano bang plano nyo?" Papang
"Ano po, June po sana." sagot ko
"That sounds good, June bride it is." Masayang bati ng Papa ni Jake
"Dapat lang first week para hindi pa tag-ulan." Ate Nadia commented
"Actually, June 1 ang naisip namin." Sabi ko
"Okay sa akin ang June 1." Papang
"Where would be the wedding?" Mama
"Balae, I would suggest na sa restaurant ang main reception, pero dito kasi sa amin, it's a tradition to have a feast athome for those who can't attend the wedding reception in the restaurant."
"My Nadia's wedding was on a restaurant but we had feast here. Atleast a cow and 8 pigs for the celebration. Nicole's wedding reception was held here, a catering service was rented."
"Okay then, we'll look for a restaurant and hire a catering service too."
Yung ibang details ng kasal napagusapan na din namin. And since June na ang kasal, mayroon at mayroon na lang kaming 2 months, magleleave of absence muna kami ni Jake para ayusin ang lahat ng kailangan. Mejo mahirap ang pagpapareserve sa simbahan, yung iba daw kasi 1 year ang reservation. Naswertihan lang namin na may nagcancel nung nagpapareserve kami kaya napunta sa amin yung slot nya.
After a week, nagapply na kami ng marriage license here in the Philippines mas mabilis na pala kasi 2 times na kami kinasal abroad. Sabi naman sa amin, legal and binding daw yung mga kasal namin so lalabas na renewal of vows lang. Pero pwede rin naman naming iparegister ang kasal, so that's what we did.
Mama keep teasing Jake about securing me too tight.
"Naku, Nikka, Jake wanted to register your wedding here because there's no divorce here. You can't leave him!! Haha. Pikot to the highest level."
"Hahahaahaha." tawa lang ako ng tawa
"Mama!"
"Why son? Totoo naman ah? Pinikot mo si Nikka that's why you are marrying her in so many places so she'll have a hard time leaving you! Haha"