Kaela's POV
I received a letter from the management of SGC that I need to go around some countries and meet the heads and representative of SGC's partners and stakeholder. Ang meeting na yun ay para istrengthen ang partnership at makakuha ng mas malaking sponsorship.
The whole business trip will take about 2-3 months. May mga countries na nakalista at mga partners. Madami dami rin ito. My visas for each country na kailangan ng visa is now being processed by the company.
Carleen will join me in the trip, kasama pa yung isang taga marketing. Kaya andito ako ngayon sa bahay namin at nagpapaalam sa magulang ko. In all fairness, Mommy is so happy with my news. Aba, ngayon lang natuwa ito na lalayas ako ah. Isa pa, andito ngayon si Jake kasabay naming magdinner. 3 days na yan dito.
"Masaya ka talaga Ma?"
"Oo naman! Ang sosyal pakinggan na nasa business trip ka."
"Mommy talaga."
"Pero mas magiging masaya ako kung pagkatapos ng business trip ay magpapakasal na kayo."
Oh My God Mommy! Dinadahan dahan nga namin ni Jake eh dahil kay Papang. Sabay namang napainom yung dalawang lalaki. Si Jake siguro ay dahil kinakabahan, ewan ko lang si Papang.
"Actually po kaya po ako andito ngayon, magpapaalam na po sana ako na after ng business trip ni Nikka ay pupunta na po kami ng parents ko dito to ask for your daughter's hand in marriage."
Natatawa pa rin talaga ako kapag nagtatagalog si Jake. Hindi kasi ako sanay pero he tries his best pag andito sya sa bahay namin.
"Aba'y papayag kami, di ba Pang?"
Okay. Si Mommy talaga ang magdedesisyon nito.
"Basta papuntahin mo muna ang magulang mo dito."
"Opo Sir."
That night, my father and Jake had a drinking session. Ewan ko kung anong seryoso ang pinaguusapan nilang dalawa sa labas. Basta ako, andito sa loob at happy.
Napagusapan namin kahapon na magpaalam na kina Papang na magpapakasal na kami na ang totoo naman ay kasal na talaga kami. Paguwi ko galing sa business trip, mahigit isang taon na kaming kasal ni Jake at 28 na ako. Pumayag na rin kasi ako finally sa church wedding na gusto nya at ng Mama nya.
Si mommy ay excited na. Ewan ko ba naman dito sa nanay ko. Kanina nga pinagtatawagan nya na ang mga ate ko para lang sabihing may business trip ako at malapit na akong ikasal. Grabe naman makamalapit eh after 3 months pa nga 'mamamanhikan' sila so meaning after 3 months from today ay bibilang pa ulit kami ng ilang buwan. Since saturday ngayon, gusto nya andito kami lahat bukas kaya wala magagawa ang mga ate ko. Cancelled ang plano nila kung meron man.
Nang mamalayan kong oras na pala ang tinagal ng inuman sesh nila, sinabihan ko na si Mommy na patigilin na yung dalawa.
"Ma, patigilin mo na uminom si Papang. Baka hindi makauwi yang si Jake sa kalasingan."
"Hayaan mo lang sila. Boy talk yun tsaka bonding."
"Eh san mo patutulugin yan? Wala naman tayong guest room ah?!"
"Sa kwarto mo! Wag ka ngang maarte jan. Ikakasal na rin naman kayo, okay lang yan. Ikaw naman ang maglalakad, nasa sa iyo na yun kung gusto mong lumakad na malaki ang tyan."
"Si Mommy naman eh."
"Aba, totoo naman ang sinasabi ko ano?! Hayaan mo na sila ng Papang mo mag-inom. Maswerte ka nga at gusto ng Papang mo yang si Jake, ang Kuya Roy mo hanggang ngayon ayaw ni Papang mo."
"Kahit na ba Ma! Aba malalasing pa rin sila."
"Pabayaan mo na! Lakad matulog ka na. Kaya na nilang dalawa yan!"
Lumabas muna ako papunta kina Papang at Jake para itry na patigilin sila ng pagiinom. Kanina pa kasi sila nagwaone on one. Mahina pa naman tong si Jake uminom.
"Oi tama na yan. Pang matulog na kayo, itong si Jake di na to makakapagdrive pauwi!"
"Mamaya na. Hindi pa kami tapos eh" Papang
"Pang naman eh. Tingnan mo nga to, ang pula pula na. Lasing na lasing na ito."
"Pumasok ka na at matulog sa kwarto mo Nikkaela."
"Ihhh! Papang!"
"Pumasok ka na! Isa!"
Okay, takot po talaga ako kay Papang. Kaya bahala na si Jake sa sarili nya. Siguro naman ay hindi sya babarilin ni Papang.
Kinabukasan nagising akong may nakayakap sa akin. Aba, pumayag si Papang na tabihan ako ni Jake? Infairness! Anlakas ng halimaw na ito kay Papang.
Maaga pa nung bumangon ako. Oh well, dito sa bahay bawal bumangon ng late except you are dead sick. Kung hindi naman, obligado ka bumangon before 7:00am.
Wala si Mommy sa kitchen. Sinilip ko ang kwarto nila which happens na katapat ng kwarto ko, si Papang lang ang nakita kong nakahiga at tulog na tulog pa. Nasaan na kaya si Mommy??
Nagprepare na ako ng coffee. Lumabas na din ako ng bahay para bumili ng pandesal. Isang kanto lang naman ang layo nung bakery. Pagbalik ko sa bahay, andun na si Mommy. Namalengke pala sya kasama si Ate Flor. Mukhang maraming ihahanda si Mommy ah.
"Sang ka galing Nikkaela?"
"Sa bakery. Bumili po ng pandesal."
"Buti naman at bumili ka. Nawala na ito sa isip ko eh."
Habang iniaayos ni Mommy ang pinamili nya, ipinagluto naman kami ni Ate Flor ng sinangag, danggit, itlog at hotdog. Si Papang kasi ayaw kumain ng iisa ang pang ulam.
"Gisingin mo na ang Papang mo at ang asawa mo. Mag-almusal na tayo."
Naku Mommy, kung alam mo lang, talagang asawa ko na yun. Una ko nang ginising si Papang mas mabilis kasi yung gisingin eh. Bumangon naman agad sya at lumabas na ng kwarto.
Si Jake, ayun, ang hirap pabangunin. Pero buti na lang at nung narinig nya ang boses ni Papang bigla na lang syang nagising. Kinuha ko na naman ang extra shirt nya sa kotse. Para after nya makapanghilamos ay fresh sya.
Maagang dumating sila Ate Nadia at ang mga anak nya kasama si Kuya Roy.
"Anong meron dito Kaela? Kagabi pa yang si Mommy text ng text."
"Nagpaalam kasi kagabi si Jake, pagbalik ko daw galing business trip, mamamanhikan na sila. Ayun na excite ng bongga si Mommy."
"Si Papang?"
"No Reaction. Alam mo naman yun."
"Si Ate Nicole mo ba dumating na?"
"Wala pa. Asa ka namang maaga yun. Ay, una na ako, hinihintay nga pala ni Jake tong mga damit nya. hehehe."
Agad naman akong nagtatakbo papuntang kwarto.
"What took you so long?"
"Hehe. Sorry. Dumating kasi sila Ate, napachika ako ng kaunti. hehe."
Nung makalabas kami sa kwarto, niyaya na kami ni Mommy na kumain. We've talked about my business trip and wedding soon. They talked how Jake and I will be living since he's in SG and I'm here.
And that's how my weekend went well.