2

1.3K 28 1
                                    

""Anonymous"

Mahirap ipaliwanag, mahirap ipaintindi. Minsan may takot at may bigat akong nararamdam kapag kausap o nilalapitan ko siya. Normal naman syang tao ngunit parang may kakaiba sa kanya. Kapag kasama ko siya masaya naman kaya lang may lungkot lagi sa mga mata nya at parang may gumagambala sa puso at isip nya. Sinasabihan ako ng ibang tao na layuan siya dahil hindi daw siya normal at may ibang tinatago ngunit di ko ito iniintindi. Dahil mahal ko na nga ata siya. 😕

Hanggang sa isang araw habang kumakain kami sa isang fastfood chain. May matandang babaeng nakatitig samin at nung umihi muna ang kaibigan ko lumapit sa akin ang matanda at sinabing "Masama ang tingin nya sayo, layuan mo ang lalaking kasama mo" Nagtaka naman ako at sinabing "Po? Bakit po? Sino naman po kayo para sabihin yan?" At ito sinabi niya "Iha! May babaeng taga bantay ang kaibigan mo. Sobrang sama ng tingin nya sayo. Mukhang kasing edad nyo lang ito. Masama ang tagabantay niya at ayaw na may nalalapit na babae sa kanya kaya ayaw ng tagabantay niya sayo. Layuan mo sila, maaari kang mapahamak "

Dahil sa nangyari lumayo talaga ako sa kanya ngunit kinausap ko sya at sinabi lahat ng sinabi sa akin ng matanda at inamin nya ang lahat. Nalaman ko na ang tagabantay nyang yun ay ang last girlfriend nya na nagpakamatay dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya. Naghiwalay sila dahil nabaliw daw ito sa sobrang talino. At hanggang ngayon ayaw pa din syang pakawalan kaya nahihirapan siya. Gustuhin nya man daw mag girlfriend, di nya daw magawa dahil sa tagabantay nya.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon