Sa tambakan
One time sa lugar namin dito sa laguna meron DAW babaeng nagpapakita. So syempre di ako naniniwala nung una kase modern na ngayon eh di na uso ganun.
So eto nga. Gabi na noon pero may kailangan akong kunin sa bahay ng kaibigan ko kaya kailangan kong lumabas ng bahay. Yung lugar namin dito yung kabilang kalsada walang mga bahay, puro puno lang tapos yung compound lang namin ang meron. Sumakay ako ng isang tricycle na pinara ko tapos sabi ng driver "Ne. Saglit lang isasakay ko lang yung babae " sabi nya sabay turo sa tabi ng tambakan ng mga kahoy sa kabilang kalsada. Nagtaka ako kasi wala namang babae don. Kinabahan agad ako non tapos dumaan nga don yung tricycle tapos tumigil. Parang may hangin na dumaan at umandar ulit yung tricycle. Nakarating kami sa bahay nung kaibigan ko. Tapos pag uwi dun sa taga barangay namin na nagtratricycle ako napasakay. May kinuwento sya at sakto dun sa nangyari sa akin kanina.
Sabi nya isang beses daw gabi namamasada sya tapos may nakita syang babaeng nakatayo dun sa tambakan ng kahoy. Akala nya daw sasakay kaya napatigil sya pero nung itinabi nya daw yung tricycle nya, pagkatingin nya nawala bigla. Edi umandar na daw sya at dumiretso. May dalawang lalaking magkabarkada sa may tapat ng covered court na pinara sya. Nagtaka daw sya kase sa likod nya sumakay ang dalawang lalaki at hindi sa loob. "Toy. Sa loob na kayo" sabi nya tapos ang sagot daw "Ah wag na po. May nakasakay na" pero wala namang nasa loob. Kaya simula noon, di na ulit ako lumabas ng gabi ng mag isa. Kase feeling ko may mangyayaring ganun na makikita ko yung babae doon. Na namatay daw nung panahon pa ng kastila sabi nung tito ko na pinagtanungan ko non.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.
