Kamay

808 14 0
                                    

Kamay

Hi!. Gusto ko lang i-share tong naexperience ko sa Bahay ng tita ko sa San Pedro, Laguna. Wala akong third eye or anything. Hindi rin ako nakakaramdam o nakakarinig ng kung ano. Bagong lipat sila nun at first time kong natulog sa bagong bagay nila. Tamang laki lang sya at 2 bedrooms. Nasa kama kaming tatlong magpipinsan na babae at nasa sahig naman yung dalawa kong pinsan na lalaki. Nasa side ako ng kama na hindi nakadikit sa dingding. Alam kong mababaw lang ang tulog ko nun. Naririnig ko pa yung music ng pinsan ko kasi nagpapatugtog sila habang natutulog kami. Mga bandang alasdos. Nakaramdam ako ng malamig na kamay na gumagapang sa gilid ko. Nung una hindi ko pinansin dahil baka yung pinsan ko lang na lalaki yun na natutulog sa sahig. Kaya naman gumalaw galaw na lang ako, baka sakaling mawala. Pero eto nanaman sya. Ramdam na ramdam ng balat ko yung lamig nung kamay kahit na nakakumot yung buong katawan ko. P*ta! Napamura nako sa isip ko nun. Kinakabahan na rin talaga ako. So ang ginawa ko, sumiksik ako sa pinsan ko na katabi ko. Para makalayo dun sa kamay na yun. Pero wala parin talaga. Gumagapang parin ung kamay dun sa gilid ko. Sobrang lamig nya. Hindi sya yung karaniwan lang na malamig. Kakaiba to. Sa sobrang takot ko, nagpray nalang ako. Nawala naman sya kaya thank God talaga ko nun. Nakaidlip nako at nung bandang alas tres, nakaramdam ako ng malamig na kamay na nakahawak sa braso ko. Hindi ko magalaw yung braso ko nung time na yun. Taena. Medyo naiiyak nako nun kaya nagpray ulit ako ng nagpray. Tapos nun nawala sya. Pero yung music nila kuya parang lumilipat ng puwesto. Rinig nyo naman yun diba? Yung tipong lumalayo ung tunog nung music. Sobrang takot na talaga ako nun. Wala akong ginawa kundi magdasal. Mga bandang alas kwatro, bumangon sila kuya para umihi at binuksan yung ilaw. Edi ako napabangon agad pati yung dalawa kong katabi at kinuwento ko yung nangyari sakin. Umagree yung katabi kong pinsan na narinig nya na parang lumipat ng pwesto yung music. Pero nung tinignan namin yung cp ni kuya, nandun parin naman sa dati nyang pwesto. Sabi nila kuya, nung unang lipat nila dun, vinideohan nila yung loob ng kisame. Tapos may nahagip sila na kung ano dun sa video tas ayaw na maplay nung video. Kaya dinelete nalang nila. In the end, nakipagpalit na lang ako ng pwesto sa kama at nagpray bago matulog.

Salamat sa pagbabasa :)

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon