Death is here

503 11 0
                                    

Death is here

Hi! Gusto ko lang magshare 😊 Medyo mahaba pero sana mapost niyo po 😊

18 years old ako nang magsimulang makakita ako ng mga 'multo'. Minsan sanay na akong makasalamuha sila. Pero madalas, takot ako. Lalo na kapag hindi sila mabubuting 'multo'. So, eto na nga fast forward.

Oct. 19, 2016 - Wednesday
Nasa work ako non. Nagtatrabaho ako sa isang kompanya ng kapatid ng boyfriend ko. So, tanghaling tapat non at napakainit, lumabas ako para pakainin yung mga aso. Paglabas ko, biglang dumilim ang paligid, lumamig at bumaho. As in sobraaang baho. Hindi siya amoy ng nabubulok or hindi rin siya mapanghi or amoy hayop. Basta hindi ko maipaliwanag ang baho nun. Tapos, may naaninag akong mga 'anino' na mabibilis gumalaw sa paligid ko. Mukhang marami sila o kaya iisa lang siya pero mabilis gumalaw. Hanggang sa tumigil ito sa paggalaw at humarap sa akin. Kitang-kita ko ang laki nito. Mas malaki kaysa karaniwang tao. Sa kanya rin nagmumula ang mabahong amoy. Wala rin siyang mukha hindi tulad ng mga 'multong' nakikita ko. Anim na segundong nakatigil siya at nakatitig lang din ako sa kanya bago siya tuluyang maglaho. Kinikilabutan ako nun. Pero, tulad nga ng sinabi ko, binabaliwala ko nalang dahil medyo nasasanay na ako. Gabi na nun, pauwi na ako ksama ang bf ko. Dumaan pa kami ng Mcdo para kumain hanggang sa maamoy ko na naman ang mabahong amoy na yun. Tinanong ko pa ang bf ko kung naaamoy din ba niya. Pero sabi niya, hindi raw. Anim na segundo yun nagtagal bago muling nawala. Pag uwi ko sa bahay, iba na ang pakiramdam ko.

Oct. 20, 2016 - Thursday
Umaga noon, inatake ako ng asthma ko. Pero, umiinom na ako ng gamot non para mapigilan ang paglala. Kaya lang, mukhang walang epekto ang mga gamot na iniinom ko. Sumasama lalo ang pakiramdam ko. Hanggang sa maamoy ko na naman ang mabahong amoy na yon. Anim na segundo ang itinagal nito bago mawala. Mga bandang 5PM nang maramdaman kong sumisikip ang dibdib ko. Hindi ko na kinaya at nagpadala na ako sa ospital. Nawalan ako ng malay sa byahe pa lang. Nagising akong nasa ICU na at nararamdaman kong machine ang humihinga para sa akin. Ilang araw rin akong lumaban para sa sarili kong buhay.

Oct. 25, 2016 - Tuesday
Ito yung araw na makalabas ako ng ICU. Nasa female ward ako nang sabihin sa akin ng Daddy ko na segundo nalang ang binilang bago ako ideclare na DOA o dead on arrival. Ilang segundo? Anim. Nahabol ako ng doktor non. Mabuti nalang at kahit papano'y mabilis ang pagkakadrive ng sasakyan papuntang ospital. Pero hindi iyon ang pumukaw sa pansin ko. Kundi ang naranasan ko noong wednesday. Kinuwento ko iyon sa pamilya ko at sinabi nilang baka sundo ko iyon. But I think, it is DEATH itself. It was so amazing how I managed to cheat on death. Simula non, naging maka-Diyos na rin ako. I started praying again. Dahil minsan ko nang nalimutan ang Diyos.

So, ayun lang. Let me know what you think about my story. Salamat sa pagpansin 😊

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon