63

455 5 0
                                    

MGA BANTAY SA AMING TAHANAN

"1st time ko magpopost dito sa paborito kong page. :) mabilis lang to. :) tungkol ito sa isa sa mga bantay ( tinuturing naming bantay) namin sa bahay.. :)
Nangyari yun noong 2016 pero di na ako sure sa buwan at araw pero madaling araw ito nangyari around 2:45 to 3am.. Puro babae halos sa bahay ako lang ang lalaki.. ang bahay namin at di naman ganun kalaki at isa lang yung kwarto pero medyo malaki kaya lahat silang mga babae ay dun natutulog ako sa sala natutulog sa mahabang upuan sa tapat nun ay may dalawang maliit na upuan na kahoy..( sinaunang type ng upuan) sa labas ng bahay namin ay may nakasabit na may latin ba  or what na mga salita, sabi ng lolo ko nung buhay pa dasal daw yun..(ito yung dasal..  Crus santi pater benedicti crus santi sitmihi duc nan draco sit mihi duc.. Di naq siguro sa spelling pero yan yun) ito na nga...nagising ako nung madaling araw na yun nakaharap ako sa sandalan ng hinihigaan ko ng may parang naramdaman akong may presensya sa likod ko then pagharap ko tama nga ako..nakaupo sa upuan sa harapan ko ang isang nakaputing babae (parang white lady sa mga palabas) pero nakaharang yung mahaba niyang buhok sa kanyang mukha hindi ko nakita yung mukha niya dahil natabunan ng buhok, yung kamay niya ay nakalaylay lang at di nakapatong sa mga tuhod niya..(naiimagine niyo ba?ako di konkasi makalimutan yun :))that time hindi ako natakot kasi dala din ng sobrang antok ko dinaan ko nalang sa pagtalikod at pagtulog ang mga nakita ko.. Then kinaumagahan kinuwento ko sa mga tao sa bahay namin yung nangyari then yung isa kong pinsan(dun din samen nakatira) nakita nadin yung babaeng yun sa pintuan ng kwarto nila at nakaharap sakanila pero di niya din nakita yung mukha dahil nakatabon yung buhok nito.. Sinabi din ng lola ko na meron ngang mga nakatira sa bahay namin dahil bukod dun sa babaeng yung nagbabantay sa pagtulog namin ay may naglalakad din na may kadena sa paa, yung nagtitimpla ng kape sa kusina namin tuwing madaling araw, yung anino na nakaupo sa cr namin at yung nagbobomba sa poso namin sa madaling araw pero walang nalabas na tubig..(next time ko na kwento) Di ko alam kung iisa lang ang lahat ng may gawa nun pero sigurado ako na di naman sila nakakatakot masyado. Depende lang sa ginagawa nila siguro.haha. :)
Salamat sa pagbabasa..maniwala man kayo o hindi pero siguro bawat bahay din may nakikitira o mas unang nakatira kaysa sa inyo :)
But dont be afraid.. Just keep your FAITH ALIVE! 👍

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon