3

1.1K 28 2
                                    

Mama's baby

It happened way back 2010, my papa died May 2010. Sobrang daming pamahiin kong nalaman since syempre pag may patay lang talaga nabubuo kadalasan ang pamilya. Kasama na yung ibang kamag-anak. Yung pinakagusto kong part eh yung magkukwentuhan kayo ng mga kababalaghan. Sabi nung pamangkin ko na halos kasing edaran ko, kapag ang kabaong daw ng patay eh may lamat or something na medyo sira, it means may susunod daw na kamag anak na mamamatay? I don't know if maniniwala ako.

A week after mailibing ng papa ko, na-admit yung panganay kong ate dahil sa complicated UTI, as in nakita ko kung gano sya nahirapan non. Halos umurong na ata yung dila niya kase di na sya makapagsalita kahit parang may gusto syang sabihin. Yung face niya medyo creepy na yung itsura. After nmin syang dalawin, pagkauwing pagkauwi namin ng bahay, yung bayaw ko tumawag para sabihing hindi na kinaya ng ate ko. Shocked ako syempre kase halos kagagaling lang namin don.

Then naalala ko yung sinabi nung pamangkin ko which is nangyari. After my papa, yung ate ko. Pero siguro coincidence lang ang lahat. Binurol yung ate ko sa Sta. Maria Bulacan. Sobrang liblib na yung tinitirhan nila ng asawa niya. Yung ate ko may lima siyang anak. Yung bunso niya is 6 years old.

Last day ng lamay.
Wala masyadong tao, kase naman konti lang yung mga nakapunta kase medyo nalayuan ata sila. Tsaka konti lang din naman yung kamag anak namin sa mother's side. Kapatid ko kase sya sa mama ko. Yung ate ko na to sobrang mahal na mahal yung mga anak especially yung bunso niyang si Kikay. Taga valenzuela talaga sya, pero kase nakapag asawa ng pangalawa na taga probinsya kaya sa bulacan na tumira.

Habang abala yung mga tao sa pagsusugal, kame ng iba kong ate tsaka mga pamangkin naglalaro ng cards. Nang biglang nagbrown out. Siguro mga 5 minutes lang naman nawalan ng kuryente. Ang kaso kase sobrang dilim. Yung ilaw na makikita mo lang sa banda doon pa sa malayo na may bahay. Then suddenly lumabas yung bayaw ko na nagbabantay sa ate ko sa loob at hinahanap samen si Kikay. Sabi ko nasa loob din natutulog sa sofa. Actually yung pamangkin ko na yun sinuotan na nila ng damit na pula. Kase palagi daw sya ginigising at kinakausap ng mama niya kaya medyo natakot kame.

Nung mga time na yun, aligaga na kame kakahanap kay Kikay. Pero di talaga namin sya makita. Tas nung pumunta kame ng bayaw ko sa mismong bahay nila, nakita namin si Kikay don na mahimbing na natutulog at nakakumot pa. Ang pinagtataka namin imposibleng makapunta don yung bata ng mag isa. Kase yung dadaanan bago sa bahay nila is medyo matarik at may chance na mahulog yung bata. Sa bahay kase ng nanay ng bayaw ko binurol ang ate ko. At ang pinaka nakakakilabot eh yung makausap namin yung pamangkin ko. Tinanong namin sya kung pano sya napunta don. Sabi ba naman niya, binuhat daw sya ni mama nya at pinatulog sa bahay nila. Medyo creepy. 😱

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon