Video Call
This year lang, not so sure sa exact date. Creepy af. So let's start.
Nakagawian ko nang sunduin ang kapatid kong bunso sa bahay ng tita ko pagkatapos umuwi. Natatapat sa kainitan at kasikatan ng araw ang pagsundo ko sa kanya. *fast forward* Kakasundo ko lang sa kanya at nasa bahay na namin kami. Nagayos, nagpalit ng damit. Sa kwarto ako madalas magpahinga, imbis sa sala na nakagawian nila. So ayan. Habang nakahawak sa cp ko at kachat ang aking mga kaklase, napindot ko ang video call symbol sa isang chat head. Bago magresponse ang isang participant, magpopop-up ang image ng front camera, dahil pagod ako galing school, e hindi ko na napansin ang aking sarili, madilim man, ngunit may kaunting ilaw parin na naaaninag sa loob. Habang nakadikit ang ulo ko sa dingding, kumislot ako ng onti, nakatitig ako sa front cam, mga ilang minuto at nagulat ako. Nagtataka ako dahil bat walang mata, ilong, labi man o buhok. Tanging leeg lang. Pugot ang ulo ko. At ang masaklap pa don, matapos akong tayuan ng balahibo sa takot, e napatakbo ako sa labas ng kwarto at umupo sa tabi ng mga kapatid ko, hindi sinunog ang damit, at kinalimutan ang pangyayari.
Kagabi napanood ko yung istorya ng babae sa Rated K. Walang kahit anumang sakit pero binawian. Spook.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Terrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.