Disco

515 14 0
                                    

Alimbughang Anak

DISCO

First Time ko lang pong magsend ng story dito and I hope na sana ay maipost po ito. Di naman ito masyadong creepy pero sana ay maipost
Ito ay kuwento ng aking ina, siya ay naging isang alimbughang anak sa kanyang mga magulang.
Itatago ko siya sa pangalang Milagros.
Siya ay isang simpleng bata, wala siyang third eye ngunit may kakaiba siyang pakiramdam.Nag-iisa lamang siyang anak dahil ang kanyang mga kapatid ay maagang namatay.
Napabarkada siya sa ninang ko na itatago ko sa Pangalang Remedios, bumuo pa nga sila ng tinatawag nilang Do-Re-Mi family.

Noong gabi ng March 18, 1996.Graduation Ball ng school na pinanggalingan niya. Nagkayayaan silang magkakabarkada na pumunta sa Ozone Disco. Medyo sumama ang pakiramdam ng nanay ko nung marinig ang pangalan ng Disco, nagyaya siya na sa ABS-CBN na lang daw sila pumunta dahil idol din nila ang mga artista sa TV station na yun ngunit sa Ozone pa din talaga ang bagsak nila.

Sumakay sila sa kotse ni ninang, mayaman kasi si ninang samantalang si mama ay may kaya lang, nag-aral sila sa private school at sikat ang school na yun during that time at si ninang naman ay anak ng pamangkin ng dating presidente ng Pilipinas.

Pagkadating nila sa Ozone Disco, mas lalong sumama ang pakiramdam ni mama ngunit tumuloy pa din sila.
Pumasok na silang tatlo sa loob ng ozone at nakiparty na din sila ngunit lumabas agad si mama at hinayaan niya sila na mag party.
Around 11:00 ay binalikan niya sila at niyayang umuwi ngunit ayaw pa din nila dahil nag-eenjoy pa sila sa loob ng disco
Paulit-ulit nagyaya si mama na umuwi hanggang sa napilit na nya ang nga kabarkada niya na umuwi.

Convo
Mama: Uwi na tayo, masama na talaga pakiramdam ko
Remedios: Ok ka lang naman kanina ah, nakakalakad ka pa nga
Mama: Sige na, masama talaga pakiramdam ko sa lugar nato
Remedios: Sige na nga ang KJ mo naman

Pumasok na sila sa kotse at iminaneho agad iyon ng driver pauwi.
Habang nasa daan sila ay may nasalubong silang bumbero papunta sa pinanggalingan nila. Trapik na that time.
Ibinaba ni ninang ang salamin ng kotse at nagtanong sa labas

Convo
Re: Saan po yung sunog?
Tao: Sa Ozone
Mama: Gusto mo bumalik doon? Sige balik ka at nang masama ka sa mga nasunog

Nagkatawanan sa loob ng kotse.

Mabuti at ligtas sila dahil kung hindi, malamang ay wala ako sa mundong ito.
Marami din ang nangyari kay mama at sa amin na di maipaliwanag kasama na ang kakaiba niyang pandama. Sa susunod ko ibabahagi yung iba at next time, tiyak na matatakot talaga kayo

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon