43

461 9 0
                                    

Kulam

Admin hingi ako ng favor.

Ung lola ko (Kapatid ng mama ng mama ko) namatay sya because of unknown reason. Dahil zero findings sya sa 2 hospital na napuntahan nila. Pero ung itsura nya physically is malaki ang tyan, hirap huminga at malaki ang isang paa. After sa hospital dahil negative naman ang findings inuwi nalang nila. Pinatignan nila sa albularyo at ang sabi, inilagay ang lola ko sa loob ng lobo at pinaagos sa tubig (Dagat or ilog  kaya pala sya hirap huminga at lumaki ang tyan. Bago sya mamatay, sumuka sya ng napakaraming tubig at binawian na ng buhay (Ayon sa pagkakakwento ng pinsan ko).

Pero bago sya mamatay, pinadala nila ang kanyang damit sa isang kaibigan para pabasbasan sa isang albularyo sa probinsya at ipasuot uli ung damit para mawala ang karamdaman ng lola ko. Kaso hindi na umabot at namatay na. Iniisip namin na baka andon lang sa paligid ang nagpakulam dahil alam nya na ginagawan ng paraan para gumaling si lola. May nabasa akong isang kwento dito na nalaman nila kung sino ang nagkulam bago pa ang libing kaso nakalimutan ko kung pano. Baka po naaalala nyo lang naman. Sa sabado pa ang libing, baka malaman pa namin kung sino. Isa pa, iba ang mukha ni lola, ang sabi nila may ibang tao pa daw ang nasa loob nya. Maraming salamat po..

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon