Pasan
Hi spookify readers! Just want to share my own experience of ghost and elemental something. August of 2016 really means to me, bukod sa birth month ko eh may kababalaghan na nangyare sakin. So ganto kase, nangupahan kame sa isang maliit na bahay along crossing. And then sa harap ng bahay namin mismo may puno ng sarisa at sa likod ng bahay namin ay may malaking puno ng mangga. And the whole place eh madami talagang puno at halaman. So creepy talaga yung place namen. And then yung friend ng kuya ko, nakita niya yung alaga namin, yes may alaga kami. Yun talaga yung parang bantay nung bahay eh so parang kasama na talaga namin siya sa daily life namin (mumung lalaki). Same month lilipat na kami ng bahay along Lourdes near AUF.
1 week na kami sa bahay, laging masakit yung balikat ko and hindi siya normal na sakit, may kasamang ngawit ganon. Yung nilipatan kase naming bahay up and down. Then every time na aakyat at baba ako ng hagdan, hirap ako at bigat na bigat sa sarili ko. Di ko pinansin kase akala ko wala lang. Then Sunday non ng morning pagkagising ko baba ako para magcr, tas iba na pakiramdam ko sa likod ko. Sobrang sakit na at di ko na matake yung ngawit sa balikat ko. So nagreklamo na naman ako sa mama ko na "Ma yung likod ko sobrang sakit na" habang nagbbackstretch ako. Then sabi ni mama "Sige papatawas kita bukas dayoff ko". Hinayaan ko na, hiniga ko na lang ulit then around 6pm punta ako ng church.
I asked my lil sister na picturan ako, then may something na nakita sa shadow ko. And yes may nakapasan sa akin. At nakita ko yon nung nasa simbahan ako nung sinend ko yung pic sa mga kaibigan ko and yun sabi nga niya meron daw something sa picture ko. Di ko napansin na yung daliri ko, yung malaking daliri ay sobrang nakahiwalay sa iba kong daliri. So talagang natakot na ko and nagpray na ko ng nagpray. Pag uwi ko ng bahay pinakita ko agad sa family ko and nagpanic na kaming lahat.
Kinabukasan dumayo kami ng Little Baguio sa Sapangbato para magpatawas and habang nagbbyahe kami biglang umulan ng malakas (Pataas yung daan papunta don sa nagtatawas) so di kami makaakyat. I mean di makaakyat yung sasakyan namin. Talagang it took time bago kami nakalampas dun sa mga pataas. Pagdating namin sa nagtatawas, sabi niya "Pinahirapan kayo ng alaga mo, pumunta dito kase ayaw niyang umalis sayo". Lalo akong natakot at nangilabot na ko ng sobra. Without telling her the story behind my back pains, nafigure out niya na meron nga talaga akong bantay at matagal ko na daw siyang bantay. Naaakit daw sakin everytime na maliligo ako ng padilim na at pag nagsusuklay ako sa bintana habang kumakanta.
Yun lang! Just want to share it with you guys and I'll send my picture na ren, yung may something sa shadow ko.
Thanks for reading my creepy story. God bless!

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Hororsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.