footsteps
Summer,2012. Napagdesisyonan ng pamilya ko na sa probinsya naman namin magbakasyon dahil nakakaboring din naman sa Manila lalo na pag nasa bahay ka lang at pacomputer computer lang. Nang makarating kami sa bahay, laking tuwa ko dahil may computer at wifi ang mga pinsan ko doon.
KINAGABIHAN.
Mag a-alasdose na ng madalin araw pero naglalaro parin ako ng LoL. Actually, tatlo kami ng mga pinsan ko pero nakatulog na sila kakalaro kaya ako nalang natira. yung pwesto ng computer, patalikod sa may hagdanan at katabi mga kwarto.
Naglaro ako ng naglaro hanggang sa makarinig ako ng mga footsteps sa baba. Tinurnoff ko yung screen at pumasok sa kwarto ko kasi baka nanay ko yun (nasa baba ang kwarto nya) mapagalitan pa ako.
around 2:30am, sumilip ako at madilim ang nakita ko. Walang tao. Umupo ulit ako sa upuan at nagsimulang maglaro.
3:30am. Nakarinig nanaman ako ng yapak sa baba pero hindi ko nalang pinansin yun dahil baka mga pusa lang na nakapasok sa bahay.
Pero nagsimulang tumunog ang lumang kahoy ng hagdanan namin. Ibigsabihin may umaakyat.
Napalingon ako pero walang tao. para akong na statwa dahil sa sobrang kaba. hanggang sa umabot ang mga yapak ng paa sa mismong ikalawang palapag ng bahay.Pero walang tao.
Tumakbo ako papasok ng kwarto ng hindi manlang pinatay ang computer sa sobrang takot.
Kasi dumaan na sa harapan ko yung yapak ng paa pero walang tao.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Terrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.