Intramuros

605 11 0
                                    

👹😈 INTRAMUROS 😈👹

Hi readers. Just call me Aja, not my real name. This is my first time to post/share about my experience.

My experience happened last November 2010. I can't remember the exact date.

That time I'm working at Department of Labor and Employment (DOLE)  beside PLM, Intramuros Manila. Sched ng pasok ko is 10pm-6am. We worked as news media. We will report anything na mapapanood namin sa news na may connect sa labor. Inaabangan namin yung newspaper and tabloid na delivery for us to read it and cut into pieces the news related with labor. All the tv's are open into news channel.

Before we started our proper schedule, our supervisor and the u-secretary of our department conducted an orientation. Bali tatlo kaming lalaki na nahire. Si kuya Rom at si Dar taga Cavite sila. During our orientation nag open up samin yung mga bossing namin. They told us na may mga good spirits na nagpaparamdam sa office namin. Kesyo dati daw ospital yung building ng DOLE noong panahon ng Kastila. Sinabihan kaming mga bago na every time makakarinig kami ng lakad ng tao, may biglang mag o-on or mag o-off ng mga gamit dun, ignore na lang daw namin. Nagkwento sila about dun sa mga nagpaparamdam at nagpapakita. Good spirits naman daw yung mga yun. Usually daw pag may bago is nagtalagang nagpaparamdam sila. And take note yung time sched namin is sobrang creepy time. And imagine sa buong building anim lang kami. 1 guard na nakapwesto sa main entrance, 1 guard sa parking and 1 guard sa 2nd floor. Kaming tatlo na bago at isang superior ay sa 7th floor mag oopis.

First day of our work syempre ako excited, medyo napaaga ako ng pasok. Medyo malapit lang kasi samin at may service akong motor. Pagdating ko ng building nagtime in ako sa guard. At dahil wala pa yung mga workmate ko, nagpakwento ako sa guard habang hinihintay sila. Di kasi talaga ko makakaakyat mag isa dun sa room namin base dun sa nakwento samin during our orientation. Nagsisink in kasi lahat sa utak ko (Honestly, matatakutin talaga ko) hahaha. Bata pa lang ako matatakutin na ko kaya siguro almost every time may nararamdaman akong kakaiba. Lalo na pag napupunta ko sa mga bahay ng classmates ko. Before pag may iba na kong nararamdaman di ko nagpapaiwan mag isa. Di ko nga alam kung open ba yung third eye ko kaso di nga lang siguro developed. Hehehe (Wag na sana ma develop).

Eto na nga. Habang hinihintay ko sila, nagkwento sakin yung guard tungkol nga sa mga nagpaparamdam dun sa buong building. Madami na daw siyang experience kasi nagroroving sila pag gabi. Kada floors ng building may iba't ibang kwento sila. That time honestly parang gusto ko na talaga umuwi at magback out na lang. Hahaha. Saklap biglang dumating yung mga workmate ko. So no choice pasok na din ako. Nag oobserve ako nung first day namin, parang feeling ko normal naman. Di ako kinikilabutan so malakas na loob ko. On our second day pagdating ko ng opis nagpark ako ng motor sa parking lot kasi binigyan na ko ng pass para makapag parking. Eh yung parking lot is sa likod, may sariling gate and hindi pwede lumabas dun sa gate pag nagpark ka. So need ko umakyat sa second floor para makapunta ng main gate. No choice lakad ako with fear. Sobrang dilim sa dadaanan ko.

Habang naglalakad ako may sumitsit sakin. Eh alam ko naman walang tao, karipasss ng takbo ang kuya niyo. Hahaha! Pagdating ko sa main gate pawis na pawis ako. Sabi nung guard anyare daw sakin kaya ayun nagkwento ako. Tawa lang tawa yung guard na parang nakakainsulto eh. Hahaha. Normal lang daw yun. Mas madami pa daw akong maeexperience na malala na pinapa sa Diyos ko na lang. 🙏 After nun kinausap ko yung isa kong workmate, si kuya Rom. Tinanong ko san siya bumababa pag pa-opis siya, sabi niya sa round table so I suggested na hintayin ko na lang siya lagi dun para di na siya naglalakad. Pero deep inside para may makasabay lang ako paakyat pag nagpapark. Haha.

As time goes by mga nakaka two weeks na kami. Nagbreak kami ng 3am. Lumabas kami ng opis, nagpunta kami sa mini stop. Pagbalik namin tumambay kami sa main gate, biglang bumaba yung guard na naka assign sa 2nd floor. Pawis na pawis na parang wala sa sarili. Then hinintay namin maging normal yung guard, ayun nag kwento na siya. Nakaupo daw siya sa may bandang pintuan. Yung pintuan kasi dun glass door. Habang nakaupo daw siya, may isang babae na dumaan sa harap niya. Sinundan niya ng tingin hanggang sa tumagos yung babae dun sa glass door. Bigla daw siyang nakakita ng puro puti, as in puti na parang cloud daw. Bigla daw siyang nahulog sa kinauupuan niya. Pagkahulog niya ayun kumaripas ng takbo pababa yung guard. Habang nakikinig sa kwento nya, kinikilabutan na din kami. Dasal kami lahat bago umakyat ulit sa opis.

Two months ago during that year, birthday ng supervisor namin. Nagkayayaan kaming uminom sa loob ng office (PASAWAY). Parang naging cheat day nami, ayun nag iinom kami, nagkkwentuhan ng buhay buhay. Kasi mejo nagkapalagayan na din kami ng loob dahil sa 2 months na magkakasama kami. Pano ba naman di magkakapalagayan ng loob, pag mag ccr ang isa kaylangan lahat kasama. Para kaming g*g* na nag hihintayan sa cr sa sobrang takot namin. Hahaha. Etoooo na ngaaaa. Ayun na nagkalasingan. Mejo maingay, syempre normal naman sa mga nalalasing yun. Nagligpit kami ng gamit at mga kalat kasi it's 5:30am na, malapit na kami mag out. Kinabukasan may pasok na ulit kami. Mejo seryoso kami that time, kanya kanya kami kasi nga may mga naiwan kaming work.

I was facing the tv that time while watching news. The tv is located beside the door of our room. Exactly 11:55pm I heard footsteps behind me. As in lakad na parang sa babae pag nakatakong. That time kinikilabutan na ko. Kasi walang maglalakad ng ganon samin, wala naman naka leather shoes samin that time. Naka rubber shoes kami lahat. Naglakas lakasan ako ng loob. I ignored it. And then sinilip ko yung watch ko, 11:59pm. Tingin ako sa tv ulit and then suddenly biglang nagbrownout. Sh*ttttt! Napatayo ako, tatakbo na sana ko sa mga workmate ko. And then nag open ulit ang ilaw. Mga 10secs lang nagbrownout. Nakahinga ko ng maluwag nung nagka kuryente. Napayuko ako and then biglang lumamig sa right side ko. Eh yung right side ko mejo madilim kasi nakapatay ilaw. Nagtitipid kasi ng kuryente! So ayun na nga napatingin ako kasi iba talaga yung pakiramdam. Nanlalamig ako na tumatayo yung balahibo ko sa batokkkk! Yung feeling na dumi na dumi ka na tapos nasa byahe ka.

Pagbalik ko ng tingin sa right side ko may nakita ko! OO may nakita ako. As in nakita na di ko pa nakikita sa tanang buhay ko! May nakatayo na lalaki, nakalutang siya! Naka slacks na black and naka polo barong na blue. Yung face di mo maaaninag at walang mata. As in walang mata! Yung tipong tinanggalan ng mata. Kung ano itsura nung sa horror movies ganon na ganon din. That time tulala ako for 2 mins at nakatitig lang sa kanya (until now while typing this story tumatayo pa din buhok ko sa batok). After 2 mins tsaka lang nagsink in sakin yung nakita ko. Tumakbo ko sa room ng supervisor namin na di nagsasalita na tumutulo ang luha. Pilit nila kog niyuyugyog para magsalita. For 5 minutes tulala ako. Ayun after that di pa din ako nagsasalita, yung kamay ko lang gumagalaw, tinuturo ko yung pwesto ko. Niyakap ako ng kuya kuyahan ko. Nagpunta yung supervisor namin sa area kung san ako nakapwesto. Tapos bumalik siya samin. Kinuha niya rosary sa bag niya, nagdasal sila sa pwesto namin that time.

After magdasal tulala pa din ako. Nagyaya yung sir namin dun sa pwesto ko kung san ko nakita yung di ko inaakala na makikita ko. Nagdasal ulit sila. After that bumalik kami sa room ni sir. Pinainom ako ng tubig. Pinakalma din ako. Nung nagsalita na ko kinausap ako ng sir ko. Kung gusto ko na daw ba umuwi. I decided na magstay kasi di din ako makakapagdrive ng motor during that time kasi nga wala ko sa sarili. Tas ayun nagkwento yung sir namin na pagpunta niya dun sa area kung san ko nakita yung mumu, iba din yung pakiramdam niya. First time niya din naramdaman yung ganong lamig sa place na yun for almost 20 years of working sa DOLE.

Pinagkwento niya ko kung ano itsura ng nakita ko. After ko describe tsaka siya nagkwento na yung nagpakita sakin is yung dati nilang writer na namatay. Dun daw pwesto nun before. Yun daw yung writer na sobrang talented in terms of writing news and writing articles. Ilang beses na daw dapat nasisante yung writer na yun dati because of his bad habit. Lagi daw lasing yun. Even sa time ng trabaho may dala daw alak yun. Mas magaling daw kasi magsulat yun pag nakainom. At dahil sa kaylangan siya ng department di siya tinanggal. Hanggang sa namatay daw because of liquor. After that 1 week akong nagkasakit. And every time na papasok ako, may suot na kong rosary. 🙏

Moral Lesson: Magyaya kasi pag mag iinom wag mag sosolo. Hahahaha. Just kidding. Wag kasi pasaway! Work kung work. May time para sa good times.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon