tatay

594 15 0
                                    


Okay this my first time na magsulat dito. Sana mapost, nahook na ako kakabasa sa Spookify, kaya lang nagbabasa ako sa umaga kasi super duwag ako hahahaha. Pero super fascinated naman ako sa mga kwentong kababalaghan. I need to admit na hindi to masyadong nakakatakot, pero I want to share this. Please respect na lang, medyo mahaba po ito.

May 2009. Inatake ang Tatay ko ng hika, 2 days na syang di nakakatulog. Ayaw nya magpadala sa ospital, alam ko takot sya dun at ayaw nyang gumastos ng malaki dahil mahirap lang kame. Umaga ng May 4, nag aalmusal ako. Nakaupo sya, nakasandal sa dingding namin. Hinahapo pa din at malalim na ang mata. Nakatingin sya saken, parang gusto nya akong kausapin pero di na sya makapagsalita. Kinausap sya ng Nanay ko na magpa check up na lang dun sa clinic na malapit samen, tumango lang sya. Okay so nag ayos na kame papuntang clinic, hirap na maglakad si Tatay kaya inaalalayan namin sya. Nung nasa clinic na kame, pailing iling ung doktor. Sabe nya tumitigil tigil na daw ung tibok ng puso ni Tatay, need na daw talagang dalhin sa ospital. Matigas ang ulo ni Tatay, umiiling iling pa din sya so ang siste niresetahan na lang sya ng mga gamot. Ang instruction, pag hindi umige in 2-3 days, dalhin na agad sa ospital.

Naunang umuwe sila Nanay at Tatay galing clinic, ako dumiretso pa sa botika para bumili ng gamot. So eto na nga nakauwe na ako galing clinic, pagdating ko sa bahay nagkakagulo na lahat. Dun pala dumirestso sila Tatay at Nanay sa bahay ng Lola ko (Nanay ni Erpat). Si Lola pagdating ko inaabot na saken ung thermos at mga unan.

L: Bilisan nyo, dalhin nyo na agad ang Tatay mo sa ospital. Tawagin mo Tito mo, buksan agad ung sasakyan para makaalis na.

Ako naman natataranta, bitbit ko na ung mga inabot saken. Nakita ko si Tatay nakaupo, parang hirap na hirap ng huminga. Dumating ung isa kong pinsang lalaki, umakbay sa kanya si Tatay para maakay papuntang sasakyan. Ako naman binitawan ko ung mga dala dala ko at umakay din ako, bali magkabilang braso kame kay Tatay. Hirap na hirap na si Tatay, halos di na sya makahakbang at nakalupaypay na ang katawan. Di na nya masuot maayos ung tsinelas nya at naglalaway na sya. Habang naglalakad kame papunta, may sinasabe sya. Di ko maintindihan kasi yumuko ako bigla para ayusin ung pagkakasuot ng tsinelas nya. So ayun na nga nakarating na kame ng sasakyan, mga 20 steps kasi ang layo nung saksakyan. Nang isampa namin si Tatay sa L3, di na sya gumagalaw.. dilat na ang mata nya.

Mga 20 mins. ang byahe papuntang ospital samen, tarantang taranta ang Tito ko sa pagmamaneho, kame naman ng Nanay ko iyak ng iyak. Nakadilat na ang mata ni Tatay, wala ng buhay. Dead on arrival si Tatay. Parang gumuho ang buong mundo ko, 52 years old pa lang sya, marami pa sana kameng pagsasamahan. Iniwan ko si Nanay sa ospital para umuwe samen, ipapaalam ko sa Lola ko na patay na si Tatay. Nakauwe na ako, alam na nila so lahat kame nag iiyakan na. Tapos lumapit saken ung pinsan kong katulong ko sa pagbuhat kay Tatay.

P: Alam mo ba kung ano sinabe ni Tito kanina? (umiiyak)
A: Hindi, di ko narinig
P: Sabe nya, MAUUNA NA AKO.

Lalo akong naiyak. Sobrang sakit. Masayahing tao si Tatay at cool na cool. Mabait sya at palakaibigan. Di namin matanggap na mawawala sya agad. So fast forward tayo 1 week syang binurol. Nung araw ng libing umaga pa lang masama na pakiramdam ko, nung nasa simbahan kame, namumutla na ako at parang nasusuka. Di ko na kaya magmartsa pa papuntang sementeryo. Ipinauwe ako ng Nanay ko sa bf ko kahit di pa tapos ang misa. Sa bahay andun ako sa mismong pwesto ni Tatay nung umaga bago sya mamatay. Ang sama sama ng pakiramdam ko. Nakapikit ako, naramdamang kong may naglalakad, parehong pareho ng lakad ni Tatay, papunta saken. Umiiyak na ako, sabe ko ""Tatay... tatay.."" dumilat ako walang ibang tao. Alam ko sya un.

Namatay sya ng biglaan, so lagi syang nasa panaginp namen ni Nanay. Sabe ni Nanay, sa panaginip nya sinasabunutan daw sya ni Tatay, sinasama daw at sinasabeng kame daw ang dahilan bakit sya namatay. Saken naman sa panaginip ko ganun din, sinisisi nya kame, ang sama sama ng tingin nya saken parang gusto nya akong patayin. Tapos ayun nga lagi kameng dumadalaw sa kanya at nagdadasal. Dun ko nalaman na buntis ako. Ganun naman daw ata talaga, pag may nawala, may kapalit. Mga ilang buwan nung malamang kong buntis ako, napanaginipan ko ulit sya. Nakita ko sya nakaupo at malungkot.

M: Kamusta ka na Tay?
T: Okay naman, kaya lang malungkot dito.

Alam ko at peace na sya, madalang na sya pumasok sa panaginip namin. Un nga lang wala pang isang taon syang namamatay, sumunod agad sa kanya ung isa kong Tito (kapatid ni Tatay). Sabe ng matatanda, pag namatay daw ng dilat, may kasunod daw agad.

Salamat sa pagbasa, love you parents habang andyan pa sila. Di ako showy na tao, pinagsisihan ko un dahil di ko man lang nasabi sa Tatay ko gaano ko sya kamahal. I miss you Tay, hanggang sa muling pagkikita.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon