Ritual grounds
Sana mapost to. I just wanna share my story. Actually connected to sa nagpost ng Don Galo white house sa parañaque.
Alam nyo guys, hindi lang naman sa don galo sa parañaque ang madaming haunted na houses eh. May naencounter ako at tropa kong mga beks sa may multinational village. Dalawang bahay pinuntahan namen, ung una along the sacred heart school. May parang house don na abandoned. If tinignan mo sa labas ang creepy. Why? Ung katabing bahay nya although maganda naman, ang kaso, ABANDONED DIN.
So eto na nga. Ung unang bahay na un, pinasok namen. At dahil mga bakla kasama ko, syempre mga maninipis (Meaning: mahinhin kumilos) so mga pabarbie sila kaya ako inunahan ko na. Pagpasok sa gate, may kalakihan din ung gate at pag binubuksan, may squeeky noise. {agbukas ko sa gate, habang takot na takot, pag dinerecho mo tingin mo, makikita mo ung garahe at pinto papuntang loob ng bahay. Basag ang salamin, walang mga pinto. As in nakabukas talaga so habang nakatayo ako, sa takot ng 4 na beki kong kasama dalawa lang sumama saken. Ung dalawa naiwan sa labas. So ung dalawang sumama nakakapit sa damit ko at sa likod ko. Pagpasok na nga sa gate, habang dala ko ung flashlight, hindi ako gumalaw non at napatingin sa right side ko which is andun ung main entrance na door which is closed. Then sa right side ng door na un, may makikita kang glass window na mula first floor at second floor ang kita. Hindi ko tinitignan ang bintana kase baka mamaya may makita ako at hindi na magsituloy ung dalawang beks.
Dinerecho ko ung sa left side sa main gate then paglagpas ko ng pinto, may nakita akong drawing sa dingding. Nagulat ako sa nakita ko. Palabas na ako nun nang makita ko ung dalawang beki na naiwan sa garage gate at di sumama sa kadahilanang may nakatingin daw sa may bintana sa front door. Nakatitig daw samen at nakatayo lang at hindi nagalaw. I'm a fan of classy and different kinds of paintings. So nacurious ako sa nakita ko. I saw a painting sa wall na ang nakadraw is mata inside a triangle. Its like an Illuminati design. So dun nagstart ako manginig. Then pabalik na sana ako sa gate ng garahe nung makita ko at mapansin sa loob ng bintana sa first floor ang napakagandang weird paintings. At sa floor nun which is nakatiles ay may nakadrawing ata or permanent na sya na david's star. Sa mga hindi nakakaalam eto ung star na parang dalawang triangle na magkabaliktaran lang. Nabalik ang tingin ko sa dalawang beki na wala na sa garage gate. Lumabas na ata. So sign na din un na kelangan ko na umalis don. Inisip ko ung mga possibilities na maaaring mangyare like biglang magsara ung gate, at maiwan ako dun. Dba? It's 2am that time. Nalimutan ko sabihin sa una.
Palabas na sana ako but then again may nakita akong design sa door sa taas ng door. Actually, nakita ko na kapareho sya nung nakapaint sa wall na mata na nasa loob ng triangle. Nakacarve sya sa pinto so natakot na ko. Pero hindi ako nakaalis agad dahil parang hangang hanga ako sa nakita kong paintings na nakalagay sa canvas sa gilid ng main door. Gandang ganda ako dito at hinawakan ko pa't tinignan isa isa. Gusto kong kuhain ung paintings pero baka may spirit na sumama at hindi ako lubayan. Hanggang ngayon palaisipan pa rin saken ung paintings na nakita ko. Ang ganda talaga. Siguro ung bahay na nakita namen na un is dun ginagawa ang rituals ng satanic acts. Based lang naman ito sa mga nakita ko sa loob ng bahay. Pero daaamn hindi pa dito nagtatapos ang expedition trip kasama ang mga bakla kong tropa. May isa pa kaming bahay na surely mas nakakatakot at talagang kikilabutan kayo. But for now, eto lang muna.
PS. Walang halong keme at totoo pong nagyare ito. Masakit na po kamay ko kakatype 😂

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.