65

493 6 0
                                    

Hi admin gusto ko lang ishare yung pinaka creepy na naexperience ko.

Nangyare siguro to mga 5 years ago. After kung maka graduate ng highschool I decided to stop for 1 year, ipon muna para may pondo ako sa pag aaral ko for college.So ang nangyare namasukan muna ako bilang tindera sa palengke then after nun namasukan ako bilang kasambahay. Syempre pag namasukan ka syempre dun ka titira sa kanila. Yun na nga first time ko dun sa lugar na yun. Ok naman siya normal place at normal apartment lang siya. (fast forward) wala pa ata akong one week sa lugar na yun kung ano ano na nararamdaman ko, First time kung naramdaman nung naligo ako pag hubad ko ng damit pakiramdam ko may daliring kumalabit sa likod ko pag tingin ko sa likod walang tao so inisip ko guni guni ko lang yun. Tapos next nun nagtapon ako ng basura bago pa man ako lumabas ng bahay may nakasalubong ako na lalaking naka itim formal yung itsura niya parang galing office akala ko yung amo ko kasi ganun yung damit niya from office hindi ko na nakita yung mukha kasi nakatalikod at pumasok sa kwarto. Nung nagtatapon na ako ng basura nakita ko yung amo ko nagulat ako kasi ang damit niya naka long sleeves na puti so nashock ako kung sino yung nakasalubong ko at sino yung pumasok sa kwarto. ee yung amo ko lang yung lalaki sa bahay so inisip ko ulit na guni guni yun.

Tapos ito na maaga silang natutulog kasi may mga pasok pa sila sa office at ako naman natutulog ako sa sala madalas ang puwesto ko katapat ng bintana. Naalala ko nun nagising ako ng exactly 2:30am. Hindi ko alam bakit ako nagising yung katawan ko pakiramdam ko binubuhat at ang una kung ginawa sumilip ako sa bintana nagulat ako kung bakit may babaeng naka white at ang lakad niya sobrang bagal tinignan ko siya hanggang sa hindi ko na siya makita. Kinaumagahan tinignan ko yung bintana galing sa labas napa shit ako kasi ang taas pala ng bintana at walang aabot dun na kalahati ng katawan naghanap ako sa mga kapitbahay namen na pinaka matangkad so nakakakita ako ng babaeng matangkad mga 5'8-5'9 yung height pero kulang pa rin yung height niya para maabot yung bintana. Tapos ito na patulog na ulit ako nagising ulit ako ng 2:25 am same kung paano ako nagising dumungaw ulit ako sa bintana and guess what iba nanaman yung nakita ko lalaki nanaman na naka barong at ang bagal maglakad tinignan ko siya hanggang sa mawala sa paningin ko after nun natulog ulit ako. Then kinaumagahan ulit hinanap ko yung lalaking kapitbahay namen na matangkad. Napa shit ulit ako kasi yung height ulit niya ndi sakto sa bintana wala ng ibang matangkad dun bukod sa kanya. After nun nagdecide ako na ibahin yung puwesto ko baligtad na puwesto yung ulo ko naman nasa bintana. Ito na nagising ulit ako ng mga 2:45am nagulat ako kasi tumingin ulit ako sa bintana ndi ko alam bakit sa bintana yung tingin ko palagi. Ito na pagtingin ko sa bintana nakita ko yung babae na nakita ko sa first day kasama niya yung lalaking nakita ko sa second day ito yung nakakatakot parehas silang nakalutang habang naglalakad. Ewan ko ba kung bakit hindi ako natakot. Then kinaumagahan nun ndi ko na mapigilan nakipag kwentuhan ako sa kaptibahay tinanong ko kung may nagpaparamdam din ba sa kanila. Napa wow ako kasi yung kanila mas creepy pa saken natukoy din nila na may nag papakita nga na lalaki at babae. Nalaman ko din pala yung lugar kung saan nakatayo ang apartment ay dating sementeryo.

Siguro buong 1 week ako ginambala ng mga multo dun. Yung last experience ko dun nung nagtapon ulit ako ng basura habang inaayos ko yung basura sa labas biglang may dumaang hangin sa likod ko ewan ko ba sobrang lamig ng hangin na yun tapos may nakita akong babae na naglakad sa likod ko palabas ng gate nagtaka ako bakit ndi tumunog yung gate so tinignan ko nagtaka ako bakit siya nakalabas ng hindi ginagalaw yung padlock sabe ko tangina iba na to aa. Tapos pag pasok ko sa loob dumaan ulit siya pinikit ko na lang yung mata ko para hindi ko siya makita.

Dumating yung dating kasambahay nagtanong ako sa kanya kung may nararamdaman din ba siya. Nagkwento siya saken na hindi niya raw makakalimutan natutulog din daw siya mag isa sa sala nung makita yung bote ng baby na inaalagaan ko, lumutang na lang bigla at gumagalaw napasigaw daw siya sa takot. Yun din yung mga panahon na bago lang din siya. Natakot ako na baka mangyare saken yun kaya ang ginagawa ko nagdadasal ako gabi gabi, simula nun ndi na ako ginambala.  

The end ** sana mapost sa siya thanks

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon