64

483 8 1
                                    

Ang Pinsan Kong Aswang

15 yrs old ako nung namatay yung isa kong lolo sa visayas, kaya yung mga kamag-anak namin dun ay nagchat kay mama through FB para mainform at mainvite kami sa burol at libing ng lolo ko. tinawagan sila ni mama para sabihin na di kami makakapunta, tapos sabi nung tita ko sayang daw kasi nga matagal ng di nakita. so ako naman, since di ko pa sila namimeet, kinulit ko si mama na kahit ako na lang ung pumunta, tapos sobrang ayaw nila ni lola na papuntahin ako, pero after ng masigasig na pagpupumilit ko, pinayagan nila ako, pero kasama yung pinsan kong lalaki. so bago kami bumyahe, kung anu-ano yung binilin samin ni lola which is di ko tinake seriously.

nung nandoon na kami, agad kaming hinahinan ng tanghalian nung tita ko, pero ung pinsan kong babae na si Ann (di tunay na pangalan) hinahinan kami ng isa pang putahe, tapos binulungan nya ako na wag daw namin kainin yung binigay ng mama nya, tapos napansin ko na nagkasamaan sila ng tingin ng mama nya, pero di ko na masyadong inisip yun.. basta nung buong araw na yun lagi akong sinasamahan nung pinsan kong si Ann at pansin ko rin na panay yung sulyap nya kay kuya (ung pinsan kong lalaki na kasama kong pumunta sa probinsya). binigyan din nya kami ng mineral bottle na malaki, tig isa kami ni kuya tapos sinabi din nya na dun lang daw kami iinom. medyo nagtataka na ako sa kinikilos nung pinsan ko pati sa mga tinginan nila nung mama nya pero di ko na lang masyadong pinansin, hanggang sa kinagabihan na, tabi tabi kaming natulog na magpipinsan pati ung dalawa nyang kapatid ay kasama din namin sa sahig natulog, pero ang pwesto namin from left to right, si kuya, ako, si Anne na naka-ulo sa may paanan nung dalawa nyang kapatid, di ko maintindihan kung bakit ganun basta sumusunod na lang ako sa sinasabi ni Ann tapos si kuya naman, feeling ko may alam kung bakit ganun kasi di sya nagrereact although ramdam kong nawiwirduhan din sya sa mga nangyayari.

kinabukasan, niyaya nya kami ni kuya sa isa pa naming lola, medyo malayo at dumaan pa kami sa gilid ng parang burol yata yun which is ilog, bago pa namin marating yung bahay ng lola namin. tapos dun lang namin napagusapan na aswang pala yung pamilya ni Ann at kursunada daw ako ng kuya nya. di ko alam kung crush ako or kursunada akong kainin. hanggang sa di namin namalayan na maggagabi na pala, so dun na kami sa lola ko natulog. 2am na nun nang magising ako kasi magccr ako, after kong magcr, napansin kong bukas ung bintana sa sala, kaya isasara ko dapat nang may nakita akong babaeng nakatuwad sa tapat ng bahay. tinitigan kong mabuti kung tama yung nakikita ko nang magsalita mula sa likuran ko yung lola ko na bumalik na daw ako sa kwarto at sya na daw ang bahala. mula sa kwarto, naririnig kong kinakausap ni lola ng pasigaw ung babae sa labas, tapos biglang nagising si Ann sabi nya mama daw nya ung aswang sa labas at gusto daw nilang hawaan kami ni kuya ng pagkaaswang nila and the whole time na nawiwirduhan ako kay Ann was that she was just trying to protect us. sinabi din nya na di nun sasaktan si lola kaya no need to worry.

nung time na yun, di na ako nakatulog at nagsoundtrip na lang hanggang mag-umaga, at napagdesisyunan naman namin ni kuya na umuwi na rin nung araw na yun, although may mga ilang gamit pa kaming naiwan kina Ann, di na namin nakuha, kaysa naman di na kami makauwi ng buhay. hahaha! so ayun lang, di naman masyadong creepy, nakakaamaze lang na makakitang mga ganung creatures ng live. so nung nakauwi kami tinanong ko yung lola ko na mama ni mama kung bakit ganun, sinabi nya na ang kamag-anak daw pala namin ay ung papa ni Ann who died a long time ago and mama nya yung lola ko na pinuntahan namin na pinsan naman ni lola na mama ni mama. magulo ba? basta ayun na yun, tapos nung pagkarating namin kina Ann, may nakita pala si kuya kaya nya napatunayan na pamilya ng aswang yung pinuntahan namin, eh pa-cool si kuya kaya di nya pinahalata na natatakot sya tapos sinabi ko kay kuya na sya na magshare ng experiences nya dito sa spookify.

P.S
-pasensya na kung mahaba, di masyadong detalyado at nakakatakot. anyways, thankie spookify sa pagpost nito ^^

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon