Pamahiin Of DEATH

738 15 2
                                        

Pamahiin of death

Hello everyone. The story I am about to share is not really scary per se but it brought about some weird feelings to me and those people involved.

Here it goes....[tldr]

Nangyari ito noong April of 2009, summer vacation before ko mag college. Nagkasakit at namatay ang bunsong kapatid ng lola ko. He succumbed to his long battle of unexplainable sickness na hindi alam ng doctor kung ano ang lunas. Namatay siya sa syudad ngunit ibinurol siya doon sa probinsiya namin kung saan siya ipinanganak at lumaki. After 9 days of lamay, sa huling gabi at huling misa nung pari, isa sa mga sinabi niya sa pagkahaba-haba niyang homily na siyang tumatak sa akin; "hindi natin alam, baka isa sa inyo dito ang susunod na mimisahan ko". Tinawanan lang iyon ng mga tao, isa na ako dun. Pero yung pari, di man lang nangiti.

Kinabukasan ng umaga, sabado, libing na nung lolo namin. Sa probinsiya, alam naman nating maraming mga pinaniniwalaan yung mga matatanda lalo na iyang mga ritwal-ritwal bago gawin ang isang bagay (and doon,majority ng nakikiramay mga matatanda). May isang matandang sumigaw nang binitbit na yung kabaong (hindi pa nalalabas ng bakuran), "oh, iyong mga kaanak, kelangan ninyong lumusot sa ilalim ng kabaong. Pagkatapos, diretso na kayo ha? Wala nang babalik sa pinanggalingan. Kung saan iyong gawi ng pupuntahan (meaning yung side ng daan na tatahakin papuntang semeteryo) doon na kayo dumiretso at huwag nang pupunta sa kabilang daan." Iyong bahay kasi nina lolo na pinagburulan sa kanya is nasa tabing-daan. So pagkalabas ng bakuran kalsada na and pakanan yung papuntang semeteryo. So basically, yung rule ng palusot sa kabaong, kapag nakalusot ka na, bawal ka na bumalik sa loon ng bakuran at bawal ka nang gumawi sa opposite side ng pupuntahan ninyo.

Nagkaroon ng maikling bulung-bulungan at may mga nagreklamo at sinabing pwede naman daw na hindi na. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari dahil curious din ako sa pamahiin na iyon and hindi ko alam kung ano ang purpose so nandoon lang ako sa gitna ng mga taong paroo't parito at nagmamatyag. Ilang sandali pa nakita ko nang lumusot sa ilalim nung kabaong iyong mga immediate family ng namatay, mga kapatid at pamangkin. Di na kami sumali ng mga pinsan ko since parang di naman kami masyadong immediate kaanak. Sumakay na lang kamin doon sa isang sasakyan at naghintay na matapos ang seremonyang ginagawa nila.

Since iyong sinakyan namin na multicab is nasa labas talaga nung gate, rinig na rinig ko na may matandang bigla na lang sumigaw na, "basagan nyo ng palayok ang ilalim ng kabaong! O hollow blocks! Basagan ninyo!" She sounded and looked so freightened kaya nagulat ako. I dunno kung ano ang nangyari after nun but it turned out na walang pumansin sa kanya. Busy na kasi ang mga tao kakahanap kung saan sasakay at nagmamadali na dahil baka mahuli kasi malayo pa ang simbahan at semeteryo. Amidst the noise and the chaos, narinig ko na kaya siya napasigaw ng ganoon eh dahil sina mama at iyong dalawa kong uncle na kapatid ni mama is di sinunod iyong rule na diretso lang. Instead na pakanan na after nila lumusot sa kabaong, pumakaliwa sina mama dahil doong side nakapark ang sasakyan nila. Ang left side kasi ng bahay is basketball court at doon nakapark halos lahat ng sasakyan.

Throughout the day, naririnig ko iyong matanda na paulit-ulit na sinabing sana daw ay binasagan ang kabaong. Natatakot daw kasi siya dahil ayon sa pamahiin, kapag bumalik daw sa pinanggalingan ang lumusot sa ilalim ng kabaong, may susunod daw na mamamatay. Sumpa daw kasi iyon. She said na nangyari iyon sa pamilya niya ilang taon na ang nakararaan. Tatlo daw sa mga tiyahin niya ang sunud-sunod na pumanaw, linggo ang pagitan. Natigil lang daw nung binasagan ng palayok ang ilalim ng kabaong. Nakikinig lang ako ng mga panahong iyon at sa isip ko, hindi ako naniniwala. It sounded so impossible and so far-fetched of an idea. Parang walang connect. It sounded so funny to me (pero di naman ako natawa talaga).

After ng libing, umuwi na kami. Iyong papa ko at ibang mga kapatid ay umuwi na sa bahay namin sa isla kasama iyong lola ko (may bahay sina lola sa probinsiyang iyon at may bahay din sila sa isla) samantalang ako ay sa siyudad na dahil nga magka-college na ako and sa May ay mayroon kaming whole-month summer orientation program sa scholarship namin. Sa tita ko ako makikitira, kapatid ni mama. Si mama sumama sa akin doon dahil sabi ng tita ko pupunta daw kami ng Mama Mary church sa susunod na sabado. Sumama din sa amin ang lolo ko dahil sasama daw siyang pumunta ng kay Mama Mary.

SPOOKIFY™Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon