Kulam

597 11 0
                                    

Kulam

May kababata si mama na tawagin na lang nating Darel, si Tito Darel ay gwapo, matipuno at lapitin ng babae (Yan yung kwento nila). May anak na sya, isang lalake na kasing edad ko ngayon ( Mga 18 na din sguro sya). Si Tito Darel ay nagkaroon ng kasintahan dito sa maynila. Dahil sa tawag ng laman, nabuntis nya yung babae pero tinanggi nya na kanya yung bata. Sa galit ng babae ay gumawa daw ito ng paraan para maging miserable din si Tito Darel.

Nagsimula sa pagsakit ng kanyang tyan, namamagang mga binti hanggang sa ang kanyang maselang parte ay namaga na din, pati ang kanyang itlog nadamay na sa pamamaga. May nadiagnose naman daw yung doctor sa kanya pero walang epekto ang gamot na binibigay. Bagkus mas lalo pang namamaga ang mga parte ng katawan nya. Nagpa albularyo sila, pero ang sabe malakas at mahusay umano ang gumagawa nun sa kanya. Ang payo ng manggagamot ay dalhin nila sa Antique upang doon ipagamot (Andon daw kasi ang mga mahuhusay na manggagamot).

Ayos na ang lahat, paalis na sila papuntang Antique nang atakihin si Tito Darel ng matinding pananakit sa kanyang maselang bahagi, tila daw may magpuputol ng parte nyang iyon. Ilang sandali pa, wala na, kinitil na nilang tuluyan si Tito Darel. Usap usapan doon kung bakit tila ang katawan ni Tito Darel ay naghugis palaka at hindi umiimpis ang pamamaga ng kanyang katawan. Walang kabaong na kasya sya, kaya gumawa na lang sila ng sarili nyang kabaong gamit ang plywood. Sabi ng matatanda, pinatay daw si Tito dahil siguro nalaman nung nagkukulam na pupunta sila kung saan maaari na syang malunasan.

PS: Be careful who you play with, maybe they can play better than you do. Wag maging mapagsamantala sa inyong itsura, baka yan pa ang maghuhukay ng lilibingan mo.

Kulam

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon