66

512 10 0
                                    

Telephone Call

Hello sa mga avid readers ng spookify! Just want to share the story of my father.

My father is a security guard until now kahit 52 na siya. Sekyu siya noon sa isang paradahan ng mga jeep na ginagawang parang subdivision nung ma-encounter nya itong creepy experience na ito.

There is a house there na masasabi ko na isang mansion dahil sa laki nito, ginawa na nga nilang kainan/karinderya yung parking nila dahil bungad lang ito. Then one night habang naglolog daw siya sa logbook ay tinawag siya ng maid nung bahay.

Maid: Manong! May call ka, ikaw hinahanap e.
My father: Ha? E bakit jan siya tumawag?
Maid: Di ko din alam, sagutin mo na anjan na eh.

Then pinuntahan ng papa ko yun dahil malapit lang naman. Nung pagsagot ni papa, usual greetings.

"Hello, this is fishermans village magandang gabi po"

May nagsalitang babae sa kabilang linya na parang galing ilalim ng lupa at medyo mabagal ang pagsasalita at sinabing

"Tulog ka na ba? Pupunta ako jan matulog ka na....." Sa mga pagkakataong yon, natatakot na daw si papa pero di siya nagpatalo sa takot. Ginaya niya yung boses at sinabi niyang "Wag ka nang pumunta dito matulog ka na!" Sabay baba ng telephone. My father was in shock nung marinig nya yun, di na niya inisip na prank call yun, you know why? Sabi ni papa, two days ago habang nakaupo siya sa guard house, bigla na lang daw umihip yung malakas at malamig na hangin. Naung may narinig siyang boses ng babae. Mabagal, parang galing ng ilalim ng lupa at nagmamakaawa na sinasabi "Ayaw ko na, ayaw ko na, ayaw ko naaaaa!!!" Nung mga oras na yun iisa lang ang nasa isip nya, na yung boses sa telepono at yung boses na narinig nya ay iisa. Sabay buhos ng malakas na ulan...

Sensya na. First time ko magkwento ng ganito, di ako marunong e pero totoo yang kwento ko ha! Hehehe.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon