Cr

763 13 0
                                    

CR

It happened way back 2011
So  I was 15 yrs old noon nang maranasan ko ang di ko talaga malilimutan na experience sa tanan ng buhay ko.

Nagbakasyon kaming buong pamilya sa place ng Uncle ko sa Bulacan tanghali palang nakarating na kami sa bahay nila, masaya naman ang lahat parang nagkaroon na rin ng reunion kasi naroroon din yung lolo ko sa side ng papa ko tapos yung mga kaapo-apohan sa tuhod kaya medyo riot that time ang dami naming mga bata pero ang pinakanawiwirduhan ako dun sa anak ng uncle ko itago nalang natin sya sa pangalang Mugi  kasi hindi sya nakikihalubuli saamin kapag nag lalaro kami sa baay nila nanonood lang sya saamin tapos nakaupo sa isang tabi tapos yung bawat kilos nya denumero. Kinagabihan nagsimba kami, ibang iba ang behavior ni Mugi nang makalabas kami sa bahay nila naging madaldal sya tapos panay halakhak nakikipaghabulan pa sya sa mga nakababata kong kapatid pagkalabas ng simbahan  pero pagdating namin sa bahay nila naging ganun ulet sya limitado lang yung mga sinasabi nya pero kahit papaano napapatawa parin namin sya.
Kinabukasan 6:00 ng umaga nagising ako sa hambalos ng nanay ko maaga kasi kaming uuwi  kaya pinaliligo nya na ako, pagpasok ko sa banyo biglang nag init yung atmosphere yung parang nasa sauna tapos bigla akong kinabahan ng walang dahilan nagtaasan din yung balahibo ko nun pero wala akong pake bangag ako nun e pero di ko nilock yung pinto nun first time ko kasing maranasan yun natakot lang ako. Nang pinihit ko ng kaunti yung shower para bumukas walang tubig na lumalabas kaya tinodo ko yung bukas nung wala parin akong naramadaman tumingala na ko dun sa lalabasan ng tubig  saktong pagtingala ko bumuga naman yung tubig sa mukha ko dahilan kung bakit ako napapikit. Pagkapikit na pagkapikit ko biglang may dalawang bata na sa harap ko that time di ko alam kung bakit ko sila nakikita e alam ko naman na nakapikit ako, nakikita ko rin yung pagbuga sakin ng tubig mula sa shower pati yung sabon sa lalagyan pati balde at tabo.
Nang matitigan ko yung dalawang bata ng face to face siguro yung mga edad nila naglalaro lang ng 7-8 isang babae na mahaba ang buhok tapos nakaipit then isang batang lalaki na yung gupit e parang bao ng niyog
Nakatitig sila sakin ng masama galit na galit namumutla yung kulay nila, maitim yung labi tapos ang iitim din ng eyebags yung parang napapanood sa mga horror movies? Di ko akalain na totoo pala yung mga ganun
Nang makita ko sila parang may sumasakal saakin na di ko malaman kaya di ako makasigaw tapos naninigas ako. Kaya dalidali kong pinatay yung shower.
Mabilis akong nagsabon nun  di ko nanga naisipan pang mag shampoo kasi baka pagbuhos ko mapapikit ulet ako tapos makita ko ulet sila AY AYOKO NA NO nung nagbabanlaw ako naririnig ko yung malalakas na kaluskos na mga pader kaliwa, kanan, taas , baba hanggang sa kumatok na yung nanay ko  kya kinuha ko na yung towel tapos mabilis na nagpatuyo nung palabas na ako nagulat ako kasi napuno ng bula yung doorknob tapos nakalock na  kaya di rin mabuksan ni mama yung pinto, di ko rin mabuksan sa sobrang dulas nang mga oras na iyon ramdam ko na nasa likod ko lang yung mga bata kaya di na ako lumilingon hanggang sa ayun nabuksan yung pinto mula sa labas kasi may susi na ginamit.

Habang nakasakay kami sa bus pauwi nakwento ko yun kina mama at papa tapos nalaman ko rin na nagparamdam din daw sakanya yung mga batang yun noong umga lang din daw bago ako gisingin. Habang naliligo sya may naririnig syang nagtatakbuhan sa tapat ng banyo tapos nagtatawanan na mga bata pero paglabas nya sya palang pala ang tanging gising noon.

May mga kwento rin yung mga kapitbahay ng tito ko kasi gabigabi raw silang binubulabog ng mga batang iyon ang lalakas ng tawanan tapos naglalaro pa ng bola.
Nung nagkukwentuhan kami biglang nagflash yung balita sa tv na nakakabit sa bus may lugar ng bulacan na biglang sumabog ang daming sugatan na pasehero ng bus tapos biglang napatawag yung Uncle ko akala nya kasama kami sa mga nasabugan. Kanto lang pala ang pagitan ng sumabog yung lugar na iyon sabi ng nanay ko hindi raw kami welcome sa bahay na iyon hindi tanggap ng mga bata na may ibang nagpapasaya sa pamilya ng uncle ko.
Ilang linggo ang nakalipas pinababalik ulit kami sa bulacan para magbakasyon pumuyag naman ulet yung parents ko pero kailangan muna raw pagplanuhan after a month naudlot yung pagpunta namin dahil biglang nagkasakit si Mugi leukemia raw stage four agad agad -_-  then ilang weeks lang pumanaw sya. Pakiramdam ko hindi lang ako ang nakakakita sa dalawang bata na iyon, guyun din siguro si Mugi

Itong experience na ito ay naging dahila kung bakit hanggang ngayon hindi ko naipipikit yung mga mata ko kapag naliligo sa loob ng banyo XD

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon