Aswang sa lugar namin
Hi mga spookifiers. I just want to share the story of my tito. Hindi sya nakakatakot pero gusto ko lang ishare ang kwento ng tito ko sakin about sa mga aswang. Our province is Capiz pero dito kami sa manila nakatira at umuuwi kami pag summer para magbakasyon. So alam ko na kilala nyo ang lugar na to dahil sa mga kwento tungkol sa mga aswang, na dito nagmula ang lahi nila at nagkalat nalang.
Kung tutuusin akala natin puro masasama lang ang ginagawa nila. Akala natin wala silang madudulot na mabuti. Akala natin pagpatay lang ang alam nila. Pero hindi, dahil may puso din sila katulad natin at may pamilya silang pinoprotektahan, nasasaktan din sila katulad nating normal. Kung tutuusin di naman nila kagustuhan ang maging ganun. Nahahawa lang sila sa mga nakakasalamuha nila o kaya nakikiinom sila kung san san. Kahit na nakakapatay sila minsan, di natin alam na naghahanap din sila ng pagmamahal. Hindi naman sila makakapanakit kung hindi natin sila sasaktan. Gusto lang naman nila ng kalayaan bilang isang may buhay tulad natin.
So ito na yung kuwento. Actual po ito.
Tito's point of view.
Naglalakad ako pauwi sa amin. Galing ako sa bukid, nakatulog ako kanina dahil sa pagod sa pag-aalaga sa mga hayop namin, kaya gabi na ako nagising. Noong nasa kalagitnaan na ako ng daan papunta sa bahay, may nakasalubong akong taong nakatayo, nakayuko at nakashorts. Hindi ko maipaliwanag yung suot niya dahil parang balat iyon ng hayop na ewan, sobrang baho nung amoy niya. Nalagpasan ko na siya nun kaso hindi ko mapigilang hindi siya lingunin kaya napagdesisyunan kong lapitan siya at kausapin. Dahil baka naliligaw na siya at bakit sobrang dungis niya.
Ako: Kuya, ayos ka lang ba?
Siya: Gutom na ako. *Tumingin sya sakin na nanliklsik ang mata* Pwede mo ba kong bigyan kahit ng kaunting bahagi ng iyong katawan?
Ako: Ano pong ibig nyo sabihin?
Lumapit pa lalo sya sakin at agad akong sinakal, malakas sya kumpara sa normal na tao. Hanggang sa nangingitim na ang mukha ko kasi di na ko makahinga. May naaninag ako sa likod nung lalaki, narinig ko pa ang sinabi nya
'Bitiwan mo sya anton'
Tumingin yung lalaking sumakal sakin at agad akong binitiwan. Hinahabol ko ang hininga ko at nag usap ang dalawa
'Ano bang pakialam mo?'
'Alam mo ang patakaran sating pamilya'
'Pero kuya nagugutom na ko! Di ko na kayang hindi kumain ng mga karne! Gusto ko naman ng tao katulad nya'
Tumingin sya sakin at halos mahimatay na ko sa takot, madilim na nun at para bang katapusan ko na.Tumingin sakin ang kapatid ni anton at sinabihan nya kong umalis na. Agad naman akong tumakbo, narinig ko pa ang sinabi ng lalaki kay anton.
'Hindi tayo tutulad sa ibang aswang na pumapatay ng tao!'
Pagdating na pagdating ko sa bahay ay agad kong nilock ang pinto namin na gawa sa kawayan. Tinanong ako ng asawa ko kung bat hingal na hingal ako. Ang sinabi ko lang para di sya mag alala ay tumakbo ako para makaabot ako sa hapunan namin.
End
Ngayon ay lumipat na rin ang tito ko sa kalibo malapit sa lola ko. Simula nun ay wala ng nabalitaan si tito dun sa dalawa, di na rin nya nakita dahil bumibisita pa naman sya dun kahit minsan lang
Ahmmm sana nagustuhan nyo. Di po ako naghahangad na maniwala kayo, gusto ko lang po talaga ishare ang kwento sakin ng tito ko.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Terrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.