53

485 9 0
                                        

Sanib

Way back, naalala ko yung kwento ni mama, it was 3 years ago.

Namatay yung nanay (lola) ko ng walang nakakaalam. Nakita nalang yon ng half brother ko pag uwi nya sa bahay nila nanay, lumipas na ata yung ilang oras non. Nasa province kasi sila sa Surigao, ang naiwan lang don yung isang kapatid ng mama ko na wala man lang pakealam. Di ko nga alam kung kinakamusta nya ba sina nanay at tatay don. Si mama naman at yung kapatid nya pang isa umuuwi sila after christmas para bumisita at laging binibilinan ni mama si kuya na alagaan sina nanay at tatay pag pauwi na sila dito sa Rizal. Ayon nga, nakita ni kuyang nakahandusay si nanay sa sahig na nakataas ang kamay at ngiwi ang mga labi na tila nanghihingi ng tulong, naistroke kasi dati si nanay. Siguro kung napaaga lang si Kuya ng uwi naagapan sana pero I'm not blaming him or anyone. So there, dali daling umuwi sila mama at si tita sa province, di na kami nakasama dahil may klase that time.

-Fast Forward-
Nalibing na si nanay ilang araw na ang lumipas. Isang gabi nagtipon tipon sila bago umuwi sila mama dito, bonding kumbaga. Yung mga pinsan ko nag inuman. Sila mama naman nasa balcony, di nila mawari pero bigla daw lumamig. Inisip nila na si nanay yon, for sure nalulungkot sya at aalis na naman sila mama at maiiwan si tatay. Pinapasok na nila yung mga pinsan ko kasama si kuya. Nasa sala nang biglang nagsalita yung pinsan ko. "My (Tawag nya sa mama ko) tan awa kay si Nanay  naa sakong atubang. (Tignan mo si nanay nasa harap ko)" Syempre sabi naman ng mama ko "Hayaan mo, nalulungkot lang yan."
PINSAN KO: Naaaa! Dili oy! Gusto niya musulod sa kong lawas. (Hindi!Gusto niyang pumasok sa katawan ko)
MAMA: Simbako nimo oy! Hubog ra ka! Pag tug na!(Hay naku! Lasing ka lang! Matulog kana!)
P: Dili lagi my! Naga extend akong tiil. (Hindi my! Humahaba yung paa ko)

Natakot sila mama, yung tita ko, yung mama ng pinsan ko na naiwan sa province, pati na rin sila kuya at iba ko pang pinsan. Lumayo si mama kasi biglang umupo yung pinsan ko at yumuko. Lahat sila umatras. Maya maya tumayo na yung pinsan ko at pumuntang kusina at pinagtatapon yung mga gamit sa kanila. Lumapit na yung pinsan ko na may dalang kutsilyo at itatapon din sa kanila nang nakabwelo yung mga pinsan ko at sila kuya, napigilan sya. Kinapitan nila pero hindi nila kaya. Kinausap ni mama yung pinsan ko at kumalma naman.

MAMA: Sino ka?
PINSAN KO: Si Nanay mo ni! (Si nanay mo to)

Umiyak silang lahat.

MAMA: Ba't bumalik ka nay?
PINSAN KO: Pisti ka Inday! (Pangalan nung kapatid nila mama na naiwan sa province) Asan ka? Nung kailangan ka namin ni tatay mo? Buti pa sila na nasa maynila nakakamusta kami ni tatay mo dito, naaalala. Ikaw! Sasakay ka lang ng tricycle di mo magawa! Ano? Bakit ka andito? Kasi patay na ko? Tapos babalik ka nalang ulet pag patay na si tatay mo?!

Iyak sila ng iyak, yung tita kong isa hinimatay na.

TITA INDAY: Pasayluhi ko nay. (Patawarin mo ko nay) Pero wag naman yung anak ko. Alam kong nagkulang ako bilang anak nyo ni tatay pero wag nyo ng idamay mga anak ko.

Yung pinsan ko nawalan na ng malay. Kinabukasan bumisita sila mama sa puntod ni nanay bago umuwi dito sa Rizal. Nakita nila na may biyak yung lapida, pinaayos nila yon at nagtirik ng kandila bago umalis.

Siguro kaya bumalik si nanay para malaman ng tita ko na may sama sya ng loob dito bago sya namatay.

Kaya ko to shinare dahil sa lesson na natutunan ko nung kwinento samin to ni mama. "Take good care of your parents and show them your love while they're still alive or you'll regret it once they are gone."

God Bless po Spookify.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon