BABAE SA ILALIM NG LAMESA
Quezon Cityers! First time ko pong magsusulat ng story ko dito! Sana po mapost!
Ako po si Oyen, not my real name. 12 y.o. na ako ngayon and tandang tanda ko pa itong experience ko, 7 y.o. ako nung nangyari ito.
It's November 1 ng 12:00 ng madaling araw, since bata pa ako hindi alam ng parents ko na ganoong oras na 'di pa rin ako tulog. Doon ako sa sala namin natutulog, nilalatag ko yung banig ko para matulog (Di pa kasi uso mga folding beds noon). Sa paanan ng banig ay may parang pinto pero wide sya. Kapag dumaan ka doon makikita mo yung kusina, kaya naandoon yung dining table namin na mahaba.
Everytime na matutulog ako doon ng past 12:00 ng madaling araw, lagi akong may naririnig na iyak ng batang babae. Nagsimula iyon noong November 2. Kaya tuwing pumapasok ako sa school ng 5:00 hindi na ako tumitingin sa dining table na iyon. Kapag naman kumakain ako doon, parang laging may nangangalabit sa paa ko. Kaya mula noon hanggang ngayon, naka indian sit ako sa upuan tuwing kumakain.
Tinanong ko sa parents ko kung bakit ako nakakarinig ng iyak ng bababe dito. Sabi nila, galing daw siguro ito mismo sa lamesa, matagal na din daw kasi iyon at marami ng henerasyon ang naabutan. Pero ang pinagtataka ko, kung bakit ako lang nakakarinig nito. Humihingi ba siya ng tulong sa akin? Tuwing ako nga lang ang tao sa bahay, lagi akong nakakarinig ng tatlong katok mula sa lamesa. Kaya kapag ako lang mag-isa, lagi na akong nasa labas.
Buti ngayon hindi na ako sa sala natutulog. Mayroon na akong kuwarto, katabi ko si Mama. Kaya hindi ko na naririnig iyong iyak na iyon. Pero since si papa ang nasa sala, siya naman ang nakakarinig nito.
PS. Magdasal bago matulog at baka mayroon na kayong nakakatabi na hindi ninyo alam.
![](https://img.wattpad.com/cover/86409626-288-k215288.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Korkusearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.