Elevator
Hi admins, dahil sa may nabasa akong confession about sa elevator, gusto ko ring i-share yung naexperience ko.
Madalas akong sinasama ng kuya ko sa office nila, pag sya ang may duty. Siguro 5 or 6 times na din. Usap usapan na din sa office nila ang kababalaghan noon pa man. Na mayroong mga bata na nakikitang naglalaro, may bata na nakitang nakaupo sa pantry na napapalibutan ng dugo. Sinabi lang ito sa akin ng kuya ko matapos ang unang beses na pagsama ko sa kanya. Ang sabi nya pa sakin, ay baka daw hindi ko na sya samahan sa susunod pag nalaman ko na.
Itong naranasan ko ay nangyari noong ikatlong beses ko nang pumunta doon. Kami lang dalawa ng kuya ko ang tao sa buong 19th floor. Nakakabinging katahimikan. May kausap sya nun, kaya inutusan nya akong bumili muna ng makakain sa Mini Stop sa baba. Walang takot akong pumayag agad, syempre sobrang boring kaya nun.
Normal lang naman, wala naman akong nararamdaman. Apat ang available na elevator noon. Sa kanan ako sumakay. Sa baba ay mayroong pinto na may sensor, na bumubukas lang kapag may dumadaan. Nakalabas na ako at nakabili na. Pagkabalik ko na sa loob, dumaan ulit ako doon sa may sensor, pagkalagpas ko, ay laking gulat ko nang bumukas ulit ang pinto. Walang tao. Ako lang ang tao sa ground floor. Hinayaan ko na lang yun at sumakay na sa elevator. Sa kanan ulit ako sumakay.
Sa gitna ng aking pagkanta, huminto ang elevator sa 5th floor. Wala akong kasama sa loob kaya inaasahan kong may sasakay galing sa labas. Sa cellphone ko lang ako nakatingin. Hinihintay na may pumasok. Nang ilang segundo din ang lumipas, pagkaangat ko ng ulo ko ay, madilim ang buong paligid, sumilip pa ako sa labas. Nang wala akong nakitang tao ay kinabahan na ako. Pinipilit kong pindutin ang close button. Walang nangyayari. Nakabukas pa din ang pinto. May dalawang ice cream pa akong hawak sa isang kamay ko at cellphone ko sa kabila. Di ako mapakali na malapit ko nang mabitawan ang mga dala ko. Kahit takot na takot ako, lumabas ako ng elevator. Pinindot ko ang up button. Habang naghihintay, inikot ko ang paningin ko sa buong floor. Nanlalamig na ako. Bumukas na ang kabilang elevator, agad akong pumasok. Pinindot ang *19*, at sumandal sa gilid ng elevator. Nang makarating ako sa 19th floor, di ko na maipinta ang sarili kong mukha.
"Oh bakit ang tagal mo?" sabi ng kuya ko
Kinwento ko sa kanya ang buong pangyayari.
Nagtaka ako nang wala syang masabi. Blangko ang mukha nya noon. Sa tingin ko ay may alam sya at hindi lang pinapaalam sa akin.
Sa tingin nyo po, ano kaya ang mayroon sa building nila> Sa pagkakaalam ko po ay bago lang iyon. Magsheshare pa ko ng iba kong experience sa building nila pag napost na to.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.
