Bahay ni tita

721 16 0
                                    

Bahay ni Tita

"Hi po Spookify.
Share ko lang yung experience ko sa bahay ni tita na asawa ng kapatid ng lolo ko. Sila po kasi nagpa-aral sakin nung 1st year highschool ako. So eto na. Year 2006 to nangyari.

Gabi nun,tapos umuulan pa. Nagkukwentuhan kami nila tita Vivs at nung mga anak nya tska si Meng (pinsan nila) sa sala ng bahay ni tatang (Tabing bahay nila yun at dun ako natutulog that time). Bigla naming narinig si Mark na sumigaw (Andun kase sya sa kabilang bahay.Sa bahay nila). Tapos tumakbo sya papunta samin. Takot na takot. May nakita daw kasi syang White lady dun sa kwarto ng mama nya(si tita Vivs) nasa tabi daw ng bintana. Pinuntahan tuloy namin. Pagdating dun,wala namang nakita si tita kaya nagdecide sya na linisin nalang daw namin yung terrace ng 3rd floor.

Yung tabi ng hagdan papuntang rooftop. (Naiipon kase tubig dun sa part na yun.) Kame ni Meng yung inutusan ni tita na kunin yung walis at dustpan sa labas kaya kame yung bumaba.
Si Meng na yung kumuha ng gamit tapos sabi nya intayin ko nalang sya sa pinto. Habang hinihintay ko sya, may napansin akong dumaan na nakaputi sa gilid ko na mahaba yung buhok, papasok sya ng bahay. Ang wierd nya lang kasi nakayuko sya ,yung as in nakayuko talaga na parang giniginaw na ewan. Ang nasa isip ko eh si Meng yun.Susundan ko sana kasi lumiko sya papuntang Cr. Kaso may biglang kumalabit sa likod ko. Pag lingon ko,si Meng pala. Dala na nya yung dustpan at walis. Kinilabutan tuloy ako,habang iniisip kung sino yung nakita ko. Di ko nalang inintindi para matapos na kami agad.

Kinabukasan. Nagkukwento si Meng tungkol sa kwarto nila. May nakita daw syang kuba na dumaan sa bintana ng kwarto nila. Tatlong beses pa. Ang nakakatakot dun eh, nasa 2nd floor yung kwarto nila so panu yun mangyayari?

Yung narasan ko naman sa rooftop eh ganito. Mag isa lang ako sa bahay nila non. Umalis kasi sila. May kanya-kanyang lakad,kaya naiwan ako mag-isa. Dun ako tumambay sa rooftop at nagsoundtrip habang nagbabasa ng pocketbook. Maya-maya may narinig akong mga yabag sa hagdan (Bakal yung hagdan kaya dinig na dinig kung may umaakyat/bumababa). Akala ko dumating na si Meng. Sinilip ko ngayon sa railings kung may tao. Pero wala akong nakita. Akala ko tuloy guni-guni ko lang, kaso ilang beses naulit. Pero sa tuwing sisilipin ko, walang tao.

May times din na yung lola at kapatid naman ni Meng yung nakaramdam dun.Nagtutupi sila ng damit nung time na yun sa kwarto sa 2nd floor. May narinig sila na Nagbukas sara ng pinto sa kabilang kwarto. Tapos parang pinaglalaruan yung pinto. Binubukas sara lagi. Tapos may naririnig silang tumatakbo.Natakot yung kapatid ni Meng kaya ang ginawa nung lola nya eh sumilip dun sa siwang sa baba nung pinto ng kwarto nila. May nakita syang Paa ng Bata na tumakbo papunta sa direksyon nung kabilang kwarto. Tapos pinaglalaruan nya yung pinto.Eh Wala namang ibang bata dun bukod sa kapatid ni meng, Sino yung batang yun?"

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon