46

507 13 0
                                    

Ilog

Hello po, ako ulet ito. Puro sanib yung kwento ko kaya naisipan kong magshare ng iba naman. Kwento ito sa amin nung katiwala namin sa farm. Bata pa ako nung kinwento niya 'to, talas talaga ng memory ko. So ito na...

Bata din siya nung nangyare daw ito. Itago na lang natin siya sa pangalang kuya Vin. Strikto daw ang papa nila kuya Vin (Lalo na daw pag lasing sabi ni tita ko). Isang araw daw ay napag-usapan nila ng mga kapatid at kaibigan niya na maligo sa ilog eh kaso mahigpit na ipinagbabawal ng tatay nila iyon. Kaya noong nagtrabaho yung tatay nila sa bukid ay tumakas sila (Sobrang bait po ng mama nila kuya Vin kaya siguro hindi sila nahirapan). Sobrang saya at ingay daw nila nun at talunan, tawanan tapos biruan. Yung kapatid daw ni kuya Vin na tawagin na lang nating si Ben, tumungtong sa mataas na bato para umupo tapos pinipilit daw siya ng mga kaibigan nila na tumalon kaso natatakot daw si Ben. Pero umakyat pa din daw siya sa malaking bato pero bago pa siya makaupo sa bato ay bigla na lang daw siyang nahulog. Akala daw nila tumalon lang ito kaya di sila nabigla kaso nang 3 mins na ay di pa ito lumutang ay nagpanic na sila. Kaya yung pinakamatanda sa kanila, sumisid siya at nakita niya daw na nakamulat pa mata ni Ben kaya iniangat niya ito. Buhay naman daw ito kaya lang sobrang putla nito. Ang problema nga lang daw ay di nila napansin na tumakbo na pala ang isa nilang kasama para humingi ng tulong sa tatay nila kaya nahuli tuloy sila.

Nalaman ng tatay nila ang nangyare kay Ben kaya mas grabe daw ang galit nito. Kaya kahit sobrang putla at mukhang di maayos si Ben ay pinagpapalo pa rin ito ng tatay nila at syempre pati sila. Kinaumagahan ay nakita nila si Ben na parang nagdidiliryo at sobrang laki na daw ng tiyan nito. Pinatingnan nila sa isang manggagamot si Ben at sabi nito tinulak daw ng isang engkanto si Ben at nakuha siya nito. Ibig sabihin, yung Ben na naiahon nila sa ilog ay hindi na ang totoong Ben. Hindi daw matanggap ng papa nila ito kaya hindi siya naniwala dito. Dadalhin daw sana nila si Ben sa hospital kaso wala talaga silang kapera pera nun kaya yung papa niya palakad lakad lang daw. Nakatulala dahil wala talaga siyang mahingan ng tulong. Sa paglalakad lakad niyang yun ay nakakita siya ng 25 cents na noong araw daw ay sobrang  laki ng halaga kaya tuwang tuwa ang papa nila at nadala na nila si Ben sa hospital. Pagdating na pagdating daw nila sa hospital ay sumuka daw ng malagkit na tubig na may damo si Ben at saka ito binawian ng buhay. At syempre hinintay pa ang 24 hrs bago inembalsamo. Kaso nung eembalsamuhin daw ay nagtanong yung tauhan nung punerarya kung bakit daw ngayon lang nadala ang bangkay eh magtatatlong araw na daw patay yung tao. Saka naalala ng tatay nila yung sinabi ng manggagamot. At may isa pa palang paalala ang manggagamot ang nakalimutan ng tatay niya... yun ay wag na wag pupulutin ang kahit na anong perang makita nito na hindi sa kanya. Kasi parang bayad na rin ito sa kaluluwa ni Ben at tuluyan nang makukuha ang kaluluwa nito.

Yun lang po. Salamat sa nagbasa!

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon