Nakikitirang Pamilya

561 10 0
                                    

Nakikitirang Pamilya

Gusto ko sana i share yung mga nakakatindig balahibong experiences namin sa dati naming bahay before ito nasunog.

Unang kwento po is tungkol sa pinsan ko. Mga 4 years old pa siya noon. Isang araw nang matapos yung tita ko maglinis ng kwarto ay tinawag niya yung pinsan ko na naglalaro sa labas upang matulog na. Tawag siya ng tawag pero hindi naman pumapasok yung pinsan ko sa kwarto kaya lumabas siya. Pero nung lumabas siya nagtaka siya nang makita niya yung anak niya na parang may kausap habang naglalaro pero wala namang ibang tao kundi yung pinsan ko lang. Ngiting ngiti at parang ang saya saya raw ng pinsan ko habang naglalaro. Sabi niya sa sarili niya ganun talaga daw basta bata kung anu ano pinagsasabi. Nang tawagin niya ulit yung pinsan ko ayaw pa rin pumasok sa kwarto kaya ang ginawa niya kinarga niya ito at pumasok. Nang makapasok ay ayaw tumigil nung pinsan ko sa kaka iyak. Iyak siya ng iyak at kung anu ano na ang pinagsasabi. Nang hindi pa rin daw ito matigil sa kaka iyak eh pinalabas niya ito upang maglaro ulit. Pero nung makalabas na ang pinsan ko sinabi niya sa mama niya na "tignan mo mama oh, nawala na yung kalaro ko". Kinilabutan at nanindig daw yung balahibo niya nang sabihin yun ng anak niya.

Pangalawang kwento ay tungkol sa nakatatanda kong pinsan. Minsan nang siya lang mag isa sa bahay at walang magawa ay napagdesisyunan niyang maglinis raw. Una niyang ginawa ay magwalis. Nung dumating siya sa kusina ay medyo naiihi siya kaya lumabas muna siya para umihi. Pero nung bumalik siya hindi niya nakita yung walis na iniwan niya. Nung lumingon siya sa likod bigla na lang raw niya nakita yung walis tambo na tumatakbo at kumikilos mag isa. Takot na takot yung pinsan ko at iyak nang iyak nung araw na yon.

Pangatlong kwento ay nung nagparebond yung mga tiyahin at pinsan ko home service. Dahil iilan din sila nagpa rebond ay hindi pa rin natapos hanggang hating gabi. Minsan nang dumaan yung papa ko tinanong ng bakla na nagrebond yung ate ko kung may bunsong kapatid ba raw kami. Sabi ng ate ko eh wala naman. Tapos biglang nanindig yung balahibo nung bakla kasi nakita niya raw na may bata na sunod ng sunod sa papa ko. Nakita niya raw na duguan daw yung mukha at saka kahit saan raw pumunta yung papa ko eh sunod pa rin daw ng sunod yung bata.

Pang apat na kwento ay yung sa tita ko. Minsan nang doon sila nagbakasyon ay may naririnig daw siyang tumitikhim. Yung tikhim na parang lalakeng matanda. Ilang beses niya na raw itong naririnig pero binalewala niya lang dahil akala niya yung papa ko. Pero isang gabi late na sila naka tulog dahil sa preparasyong ginagawa. Nang  gumising siya para umihi ay narinig niya ulit yung tikhim na sunod sunod. Natakot yung tita ko kaya dali dali niyang ginising yung mama ko at tinanong kung naka uwi ba yung papa ko. Sabi ni mama hindi kasi magdamag ang biyahe noon. Simula noon hindi na nagigisng ng hating gabi yung tita ko.

Panglimang kwento is tungkol sa kapitbahay namin. Yung bahay nila malaki atsaka may 2nd floor. Minsan raw nang walang tao sa bahay namin may nakita raw siyang babaeng nakaputi doon sa terrace namin. Akala niya may naiwan sa bahay pero ilang beses na tinanaw niya mula sa bintana nila ay nandoon pa rin daw tung babae na nakaputi at mahaba ang buhok. Naka upo lang raw sa may upuang kawayan sa labas. Hindi lang siya ang nakakita sa babae na ito. Yung isang kapitbahay namin nakatabi lang talaga namin nakita niya rin daw ito ganun pa rin daw ang ginagawa nakaupo lang. Pati yung pamangkin ng tita ko nakita niya rin daw itong babae na ito pero sa sala na niya ito namin nakita.

Nang masunog yung bahay namin, lumipat muna kami sa bahay ng tita ko. Nang minsang bumalik kami doon para ma check yung lugar bigla na lang kami kina usap nung kapitbahay naman na nakatira sa malaking bahay na yung anak niya madalas raw nakakakita ng mga multo sa terrace namin nung hindi pa ito nasunog. Pero pagkasunog nung bahay bigla raw nagpakita sa anak niya yung mga multo. Sabi ng anak niya na yung mga multo galing sa bahay namin ay lumipat sa kanilang bahay.

SPOOKIFY™Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon