Sigbin
Hello admin. Kamusta? Try ko ulit magshare ng story kahit di pa napopost yung unang story ko. Hehe. 😁
Naalala ko lang yung kwento ng uncle ko sakin. Sa province namin yon sa capiz.
Background story lang sa uncle ko; Yung uncle ko ay mabait, maginoo. As in sobrang bait, kaya lapitin siya ng mga maligno at kung ano-ano pang elemento nung bata pa siya.
*Uncle's point of view*
Galing akong trabaho nun, nag over time ako kaya mejo late na ko makakauwi. Bago ako umuwi, dumaan muna ako sa kapatid kong babae para ibigay sa kanya mga imbentaryo ko, bandang 8:30-9pm yon. Dun na ako nagdinner sa bahay ng kapatid ko. Dahil minsan lang naman kami magkasama ay nag usap muna kami. Di ko namalayan ang oras, 11pm na pala. Nagpasya akong magpaalam na para umuwi. Sabe ng kapatid ko dun na lang daw ako matulog. Dahil sa may anak na ko nun, 1 year old pa lamang ang aking panganay noon, nagpasya akong umuwi kahit late na.
Yung bahay ng kapatid ko ay sa looban pa at madilim ang daan, pero may mga bahay naman at dahil late na nga ay tulog na ang mga tao. Ang dala dala ko lamang noon ay maliit na flashlight na nakasabit sa aking keychain, dahil sa dilim ng lugar na yon halos buwan lang ang nagsisilbing ilaw sa daan. Nung naglalakad ako papunta sa motor ko ay tila sobrang bigat ng pakiramdam ko na halos di ako makalakad ng maayos, yung pakiramdam na may nakatingin sayo? Sobrang nakakakaba. Nung nandun na ko sa motor ko ay pumalya pa ang susi ko dahil nakalock ang motor. Habang inaayos ko yung motor ay may naririnig akong kakaiba, parang aso na hindi ko malaman laman, nakakakilabot yung tunog. Palapit ng palit yung tunog na yun kaya natataranta na ako, naisip ko na bumalik na lamang sa bahay ng kapatid ko. Ngunit nung paalis na ako ay may naaninag akong dalawang malalaking aso na dahan dahang lumalapit sa akin. Nanginig ang buong katawan ko sa takot, yung mga mata nila mapupula, yung tunog ng 'growl' nila kakaiba. Gusto ko ng tumakbo nun ngunit hindi ako makagalaw sa sobrang takot at laking gulat ko nung tila nag aaway pa ang dalawang malaking aso. Ang nasa isip ko nun ay pinag aawayan pa nila kung sino ang kakain sa akin!
Mabuti na lamang ay may dumaan na motor sa lugar na yon. ""Hoy! Okay ka lang ba? Tulala ka yata jan"" sabe ng boses na narinig ko. Dun lang ako natauhan, ni hindi ko nakilala kung sino yung nagtanong na yon. Sumakay ako sa motor ko at umalis na. Nung pauwi ako nandun pa din yung feeling, sinusundan nila ako. Hinarurot ko ang motor hanggang sa makauwi ako. ""Ma, buksan mo yung pinto! Bilisan mo!"" Laking gulat ng aking asawa na namumutla ako. ""Ano nangyari sayo?"" tanong niya sakin. Hindi ko na kwinento ang nangyari dahil matatakutin ang asawa ko. Kinuha ko agad ang balisong at asin pati na din yung buntot pagi. Binuhos ko sa buong bahay ang asin at pinaghahampas ko ng bunot pagi ang buong bahay. Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na ang aking mag-ina. Ako naman ay di makatulog sa kakaisip sa nangyari, maya maya ay nakatulog na din ako.
Kinabukasan, nakasalubong ko ang aking pinsan. Sabe niya, bakit daw di ko siya pinansin kagabe. Namumutla daw ako nang makita niya akong nakatulala mag-isa. Ikwinento ko sa kanya ang mga nangyari. Ang sabe niya marami daw talagang nakakakita ng malaking aso sa lugar nila lalo na pag bilog ang buwan. Ang tawag doon sa amin ay ""SIGBIN"".
Okay! Yon lang naman, mahaba na pala to. Sana magustuhan niyo. Maraming salamat! Sa susunod ulit. Marami pa kong ikkwento. 😂

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY™
Horrorsearch it on Facebook. com\Spookify/ CREDITS SA SPOOKIFY 👌🔥 Highest Rank #57 in Horror. Highest Rank #1 in Spookify.